IQNA

Astan ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) Nagpapakita ng mga Aktibidad na Qur’aniko sa Pagtatanghal sa Tehran

5:11 - April 20, 2022
News ID: 3003995
TEHRAN (IQNA) – Ang pabilyon ng Astan (pangangalaga) ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) sa Ika-29 na Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan ay nagpapakita ng mga gawaing Qur’aniko nito sa iba't ibang mga bahagi ng mundo sa pamamagitan ng mga poster.

Si Sayyed Qassim al-Battat, sino namamahala sa pabilyon, nagsabi sa IQNA na ang mga poster ay nagpapakita ng mga aktibidad sa Sentro ng Tabligh (pagpapalaganap) na Pang-Qur’an ng Astan at ang Sentrong Dar-ol-Qur’an nito.

Kabilang dito ang pagdaraos ng mga kurso sa pagsasanay ng mga guro ng Qur’an sa Indonesia, mga lupon ng Qur’an sa Pakistan at Timog Silangang Asya, ang Pandaigdigang Eksibisyon ng Qur’an sa Karbala, at mga programang Qur’aniko sa mga bansang Aprikano, sinabi niya.

Mayroon ding mga kursong Qur’aniko para sa mga may kapansanan sa paningin, isang Qur’aniko na plano para sa mga mag-aaral sa seminaryo, pagsasanay sa mga tagapagsaulo ng Qur’an, mga kursong Qur’aniko para sa mga bilanggo, at isang na kumperensya na pandaigdigan ng Qur’an, idinagdag niya.

Ayon kay Battat, ang pabilyon ay nagtatanghal din ng ilan sa mga inilathala ng Sento ng Dar-ol-Qur’an ng Astan, katulad ng isang pagpapakahulugan ng Qur’an, ang aklat na "Mga Kabutihan ng mga Surah ng Qur’an" at "Murshid Al-Hafiz" (gabay para sa mga magsasaulo).

Sinabi pa niya na ang mga panauhin sa pabilyon ay maaaring magparehistro ng kanilang pangalan para sa isang magpalabunutan na gaganapin sa seremonya ng pagsasara ng pagtatanghal upang matukoy ang dalawang mga mananalo na bibigyan ng pinagpalang mga bandila ng banal na dambana ng Imam Hussein (AS).

 

Astan of Imam Hussein (AS) Holy Shrine Showcasing Quranic Activities at Tehran Expo

Astan of Imam Hussein (AS) Holy Shrine Showcasing Quranic Activities at Tehran Expo

Astan of Imam Hussein (AS) Holy Shrine Showcasing Quranic Activities at Tehran Expo

Astan of Imam Hussein (AS) Holy Shrine Showcasing Quranic Activities at Tehran Expo

 

Ang Ika-29 na edisyon ng Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay pinasinayaan doon sa Imam Khomeini (RA) Mosalla (bulwagan ng pagdasal) noong Sabado ng gabi.

Ang pagtatanghal ay tatakbo sa loob ng dalawang mga linggo, na magpunong-abala ng mga bisita araw-araw mula 5 PM hanggang hatinggabi.

Gamit ang salawikain ng "Qur’an, Aklat ng Pag-asa at Katahimikan", mayroon itong 45 na mga bahagi na nakalagay sa isang lugar na 40,000 na mga metro kuwadrado.

Ang Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan ay taunang inorganisa ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan.

Ang eksibisyon ay naglalayong itataguyod ang mga konsepto ng Qur’an at pagbubuo ng mga aktibidad ng Qur’an.

Iyon ay nagpapakita ng pinakabagong mga tagumpay ng Qur’an sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.

 

 

3478542

Name:
Email:
* Comment:
* :