IQNA

Paligsahan sa Qur’an na Pambansa sa Iran: Ang mga Umuusad sa Pangalawang Ikot ay Pinangalanan

7:51 - September 17, 2022
News ID: 3004557
TEHRAN (IQNA) – Ang mga pangalan ng mga nakapasok sa pambansang ikot ng ika-45 na pambansang kumpetisyon ng Qur’an ng Iran ay inihayag noong Huwebes.

Ang Sentro ng mga Kapakanang Qur’aniko ng Samahan ng mga Kapakanang Awqaf at Kawanggawa ay inihayag ang mga pangalan.

Sinabi nito na ang panguna na ikot ay ginanap sa 28 na mga probinsya ng bansa sa iba't ibang mga kategorya, kabilang ang pagbasa, pagsaulo at Tarteel ng Qur’an, at pinangalanan ang nangungunang mga kalahok.

Sa tatlong natitirang mga lalawigan, sina Charmahal at Bakhtiari, Hormozgan, at Lorestan, ang lalawigan na ikot ay magtatapos sa susunod na linggo, dagdag ng sentro.

Ang huling ikot ay nakatakdang gaganapin sa timog-kanlurang lalawigan ng Khuzestan sa buwan ng Dey (Disyembre 2022-Enero 2023).

Ang Pambansang Kumpetisyon ng Qur’an ng Islamikong Republika ng Iran ay taun-taon na ginaganap ng Samahan ng mga Kapakanan ng Awqaf at Kawanggawa na may partisipasyon ng nangungunang mhga aktibista ng Qur’an mula sa buong bansa.

Iyon ay naglalayong tuklasin ang mga talento ng Qur’an at itataguyod ang mga aktibidad ng Qur’an sa lipunan.

 

 

3480503

captcha