IQNA

Pinapurihan ang mga Mag-aaral sa Kashmir sa Pagsasaulo ng Banal na Qur’an

8:25 - November 09, 2022
News ID: 3004767
TEHRAN (IQNA) – Tatlumpu't apat na mga estudyante sa Kashmir na pinangangasiwaan ng India ang pinarangalan sa pagsasaulo ng Banal na Qur’an sa isang kaganapan na nilahukan ng kilalang mga kleriko mula sa Lambak ng Kashmir.

Ang Darul Uloom Faizul Kabeer na matatagpuan sa Kralgund Qaziabad na lugar ng Handwara Hilagang Kashmir ay nag-organisa ng seremonya ng parangal.

Kasama sa mga binati para sa 'Hifz-e-Qur’an' (pagsaulo ng Qur’an) ang 31 na mga mag-aaral na babae at 3 mga lalaki.

Ang maghapong programa ay dinaluhan ni Mufti Muzaffar Hussain Qasmi, Mufti Ghulam Mohiuddin Raheemi, Mufti Waseem Ahmed, Mufti Altaf Hussain Mir, Mufti Rayees Ahmad, Dr. Nissar Ahmed Nadvi, Mufti Mushtaq Ahmad, Mufti Zahoor Ahmad Rahimi, Mufti Zahoor Ahmad Bhat iba pang kilalang mga iskolar ng Islam.

Ang dumalo na mga iskolar sa kanilang mga talumpati ay malinaw na binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon sa Qur’an, lalo na para sa mga batang babae at mga kababaihan.

Ang kaganapan ay dinaluhan din ng mga kasapi ng pamilya ng mga mag-aaral na nakatapos ng kursong 'Hafiz'. Ang mga mag-aaral na ito bilang tanda ng simbolismo at karangalan ay nakasuot ng mga turban at mga alampay.

Mayroong 111 na mga babae at 20 na mga lalaki (mga mag-aaral) na nakatala sa Darul-Uloom Faizul Kabeer na tumatanggap ng Qur’anikong edukasyon.

 

 

3481169

captcha