IQNA

Panawagan sa Pagdarasal sa Ibrahimi Moske na Pinigilan ng mga Puwersa ng Israel 613 na Beses Noong Nakaraang Taon

13:36 - January 14, 2023
News ID: 3005036
TEHRAN (IQNA) – Pinigilan ng hukbo ng rehimeng Israel ang panawagan sa pagdarasal sa Ibrahimi Moske sa Hebron (al-Khalil) ng 613 na beses at ang mga nandayuhan na Zionista at puwersa ng rehimen ay sumalakay sa Moske ng Al-Aqsa ng 262 na beses noong 2022.

Ito ay ayon sa ulat ng Kagawaran ng mga Pagbibigay at mga Kapakanang Panrelihiyon na Palestino.

Ang taunang ulat ng kagawaran ay nagsasaad na ang mga puwersa ng Israel at mga naninirahan ay nagpalaki ng kanilang mga pag-atake sa Moske ng Al-Aqsa, kung saan higit sa 48,000 na mga naninirahan ang lumusob sa lugar ng 262 beses noong 2022.

Dose-dosenang murabiteen, mga kalalakihan at mga kababaihang Palestino na nagbabantay sa Al-Aqsa, ay pinilit ding lumabas ng moske at pinagbawalan na pumasok nito.

Hiniling ng mga awtoridad sa pananakop ng Israel na pinigilan ang tawag sa pagdarasal sa Ibrahimi Moske ng 613 na beses at isinara ang moske sa loob ng 10 mga araw, idinagdag ng ulat.

Ang mga puwersa ng pananakop ay patuloy na gumagawa ng elevator sa moske upang bigyang-daan ang mas madaling pag-akyat para sa mga nanduyahan, itaas ang mga bandila ng Israel at candelabrum sa bubong nito, at magdaos ng maingay na salo-salo habang pinagbawalan ang mga Palestino na makarating sa moske.

Idinagdag ng kagawaran na ang 24 na mga moske sa West Bank ay sumailalim sa mga pag-atake ng mga nandayuhan na Israeli, kabilang ang paglusob sa mga moske, pagsusunog sa kanila, o pagwawasak sa kanila.

Ang ulat ay nagsasaad na ang mga nandayuhan na Israeli ay nagdaos ng mga panalangin ng Talmudic sa mahigit 20 na mga pook na Islamiko at inatake ang 12 mga sementeryo noong 2022.

                                                    

 

3482010

captcha