IQNA

Mga Unibersidad ng Iraq na Magpunong-abala ng mga Pagtatanghal ng Qur’an

9:40 - February 28, 2023
News ID: 3005213
TEHRAN (IQNA) – Isang pagtatanghal ng Qur’an ang pinaplanong ilunsad sa Unibersidad ng Alkafeel sa banal na lungsod ng Najaf, Iraq.

Ang Sento ng Qur’an sa Najaf na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ng Hazrat Abbas (AS) ang mangangasiwa sa pagtatanghal.

Ilulunsad iyon mamaya ngayong araw at tatakbo hanggang Miyerkules, Marso 1, ayon sa website ng alkafeel.net.

Sinabi ni Sayyed Zayd al-Ramahi, isang opisyal ng sentro, na ang lahat ng paghahanda ay ginawa para sa pagdaraos ng Qur’anikong kaganapan.

Idinagdag niya na ang mga katulad na eksibisyon ay isasaayos sa ibang mga unibersidad katulad ng Unibersidad ng Kufa, Unibersidad na Teknikal sa Al-Furat AL-Awsat, Unibersidad ng Imam Jafar Sadiq (AS), at Unibersida na Pangmedikal ng Jabir ibn Hayyan.

Ang mga aktibidad ng Qur’an ay makabuluhang umunlad sa Iraq mula noong 2003 na ibagsak ang dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng lumalagong kalakaran ng mga programang Qur’aniko katulad ng mga kumpetisyon, mga sesyon ng pagbigkas, mga eksibisyon at mga programang pang-edukasyon na ginanap sa bansang Arabo nitong nakaraang mga taon.

Iraq’s Universities to Host Quran Exhibitions

Iraq’s Universities to Host Quran Exhibitions

 

3482618            

captcha