IQNA

Klerigo Nanawagan na Gawing Isang Kilusan laban sa mga Kaaway ng Islam ang Linggo ng Pagkakaisa ng Islam

18:07 - August 28, 2025
News ID: 3008792
IQNA – Isang mataas na klerikong Iraniano ang nanawagan na gawing isang komprehensibong kilusan laban sa mga kaaway ng Islam ang Linggo ng Pagkakaisa ng Islam ngayong taon.

Hojat-ol-Islam Mohammad Hassan Akhtari

Sinabi ito ni Hojat-ol-Islam Mohammad Hassan Akhtari, pinuno ng Sentral na Punong-tanggapan para Gunitain ang Linggo ng Pagkakaisa ng Islam at ang ika-1,500 anibersaryo ng kapanganakan ng Banal na Propeta, sa ikatlong pagpupulong ng punong-himpilan na ginanap sa Tehran nitong Martes.

Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko sa mga lalawigan ng Iran, mga personalidad mula sa Sunni, mga pinuno ng pangunahing sentrong Islamiko sa bansa, at ilang maimpluwensiyang mga tao sa larangan ng pagpapalapit ng iba’t ibang mga paaralan ng kaisipang Islamiko.

Binigyang-diin ni Hojat-ol-Islam Akhtari ang kahalagahan ng pagkakaisa sa Ummah Islamiko sa kasalukuyang kalagayan, at sinabi: “Ngayong taon, dahil sa mga kaganapan at pangyayari sa rehiyon, lalo na ang kalagayan sa Palestine at Gaza, mas mahalaga kaysa dati ang pagbibigay-pansin sa pagkakaisa, integridad, at mobilisasyon ng Ummah Islamiko.” 

“Kung magtagumpay tayo sa pagpapakita ng isang angkop na kilusan sa pandaigdigang entablado ngayong taon sa Linggo ng Pagkakaisa, ito ay magiging isang mahalaga at pangmatagalang hakbang.”

Binigyang-diin ng kleriko na kinakailangan na ang lahat ng mga kilusan ay nasa landas ng pagpapaliwanag at pagpapalaganap ng pagkakaisa ng Islam upang mabuo ang isang komprehensibo at magkakaugnay na kilusan, at makapagsagawa ng seryosong hakbang laban sa mga kaaway ng Islam, na ang bunga ay ang tagumpay at pagliligtas sa inaaping mga mamamayan ng Palestine at Gaza.

Binigyang-diin ni Hojat-ol-Islam Akhtari ang patuloy na pagpaplano para sa mas mahusay na pagpapatupad ng mga programa ng Linggo ng Pagkakaisa at sinabi: “Bukod sa Linggo ng Pagkakaisa, dapat magkaroon ng mga programa ang mga ahensiya at mga institusyon para sa buong taon at ipatupad ang mga ito sa kanilang mga kagawaran at mga institusyon.”

Sabi niya, ang pamahalaan at pandaigdigang mga organisasyon kiagaya ng World Forum for Proximity of Islamic Schools of Thought, Al-Mustafa International University, ang Islamic Culture and Relations Organization, at ang Ministry of Foreign Affairs ay nagsagawa ng mahuhusay na mga hakbang sa pandaigdigang antas, at nagbigay na rin ng mga tagubilin sa mga embahada at mga misyon ng Iran sa iba’t ibang mga bansa upang sundan ang landas na ito nang may mas mahusay na koordinasyon.

Ipinahayag niya ang pag-asa na sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga institusyon, mga piling tao, at ng mga mamamayan, “maaari nating maibigay ang pinakamahuhusay na kalutasan upang maisakatuparan ang pagkakaisa ng Islam at makamtan ang mahahalagang tagumpay sa mundong Islamiko.”

Ang ika-17 araw ng Rabi al-Awwal, na alin natapat ngayong taon sa Setyembre 10, ay pinaniniwalaan ng Shia na mga Muslim bilang anibersaryo ng kapanganakan ni Propeta Mohammad (SKNK), habang ang Sunni na mga Muslim naman ay itinuturing ang ika-12 araw ng buwan (Biyernes, Setyembre 5) bilang kaarawan ng huling propeta. 

Ang pagitan ng dalawang petsa ay idineklara bilang Linggo ng Pagkakaisa ng Islam ng yumaong tagapagtatag ng Islamikong Republika ng Iran, si Imam Khomeini, noong dekada 1980. Ipinagdiriwang ang okasyong ito ngayong taon habang ang mga Muslim sa pinipigilang Gaza Strip ay humaharap sa mga atakeng may katangiang pagpatay ng lahi mula sa puwersang Israel. Inilunsad ng rehimeng Israel ang mapaminsalang digmaan nito noong Oktubre 7, 2023.

Mahigit 62,000 na mga Palestino, karamihan ay kababaihan at mga bata, ang napatay at marami pang iba ang nasugatan sa mga pag-atake ng Israel sa Gaza. Marami ring nasawi dahil sa gutom na dulot ng pagkubkob ng Israel sa nasabing pook ng Palestine.

 

3494396

captcha