IQNA

Oriental na mga Manuskrito sa Aklatan ng Unibersidad ng Belgrade: Mula sa Oriental na mga Teksto hanggang sa mga Quran

18:31 - August 27, 2025
News ID: 3008788
IQNA – Ang Aklatang Svetozar Marković ng Unibersidad sa Belgrade, Serbia, ay isa sa mga nangunguna sa pagdidigitalisa ng pamana ng kultura sa Balkan.

A manuscript at the Svetozar Marković University Library in Belgrade, Serbia

Sa mahigit 1.5 milyong mga dokumento, naglalaman ang aklatan ng mayamang koleksyon ng oriental na mga manuskrito, sinauna at bihirang mga tekstong Islamiko at Quraniko, mga tesis na pang-doktorado, at mga publikasyong makasaysayan. Ayon sa website na Farhangemelal, ang proyektong digitalisasyon sa aklatang ito ay nagsimula pa noong 2008, at naging daan upang maging magagamit ang oriental na mga manuskrito sa digital na anyo. Kabilang dito ang mga tekstong Islamiko, Quraniko, pilosopikal, makasaysayan, at pampanitikan na isinulat sa wikang Arabik, Persiano, Othman (Turko), at mga wikang Balkan.

Mayroong mahigit 680 na mga akda sa digital na koleksyong ito. Ang pinakamatandang kopya ay nagmula pa noong taong 1206 AD. Pinakamarami ang nasa wikang Arabik (498 na mga kopya), kasunod ang Othman (126 na mga kopya), at Persiano (9 na mga kopya sa 13 na mga tomo). 

Ang pag-aaral ng koleksyon ng oriental na mga manuskrito sa Aklatang Svetozar Marković ay nagbibigay ng kakaibang pananaw tungkol sa nakaraan at maaaring makatulong sa makasaysayan na pagsusuri ng diskursong pang-agham (lalo na sa larangan ng Islamiko at rasyonal na mga agham) sa rehiyon at, sa mas malawak na konteksto, sa Imperyong Othman.

Lahat ng mga manuskritong ito ay ganap nang na-digitalisa at bukas para sa publiko, na may masusing pagsisikap na tukuyin ang may-akda, tagasulat, lugar, at panahon ng pagkakasulat ng bawat manuskrito.

Ang koleksyon ng mga manuskritong Persiano sa aklatang ito ay binubuo ng 9 na mga kopya sa 13 na mga tomo, kabilang ang mahahalagang mga akda ng mga makatang Iraniano kagaya nina Sa’adi at Hafez, na naging digital na magagamit sa proyekto ng Europeana Libraries mula 2011 hanggang 2013. Layunin ng proyektong ito na gawing mas madali na makamtan sa pamana ng pangkultura at pang-agham sa pandaigdigang antas.

Kasama sa koleksyon ng manuskrito ng aklatan ang labing-isang mga kopya ng manuskritong Quran, kung saan ang pinakamatanda ay mula pa noong 1543. 

Ang pag-aaral sa mga manuskritong ito, kasama ang pagtutok sa mga tagasulat, lugar, at panahon ng pagkakasulat, ay nagbibigay daan upang mailarawan natin ang bahagi ng pamana ng katalinuhan at kaalaman ng rehiyon.

 

3494380

captcha