IQNA

Unang Grupo ng Iranian na mga Manlalakbay sa Umrah, Lumisan Patungong Medina

8:38 - August 25, 2025
News ID: 3008780
IQNA – Ang unang grupo ng Iranian na mga peregrino na magsasagawa ng Umrah matapos ang 2025 Hajj ay umalis mula sa Salam Terminal ng Imam Khomeini International Airport patungong Medina noong Sabado ng umaga.

A ceremony was held at the Salam Terminal of the Imam Khomeini International Airport in Tehran on August 23, 2025, to see off the first group of Umrah pilgrims leaving Iran for Saudi Arabia after the 2025 Hajj.

Kabuuang 250 na mga manlalakbay ang ipinadala sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng dalawang mga pangkat.

Isang seremonya, na dinaluhan ng mga opisyal ng Hajj at paglalakbay, ang ginanap sa paliparan upang ihatid ang mga manlalakbay.

Si Hojat-ol-Islam Seyed Hossein Roknoddini, ang pangalawang pinuno sa pangkultura ng tanggapan ng kinatawan ng Pinuno sa Hajj at Paglalakbay, ay nagsabi sa seremonya na bukod sa maayos na nakaplanong mga programa, isang kleriko ang nakatalaga sa bawat grupo ng Iraniano na mga manlalakbay na mangangasiwa sa tamang pagsasagawa ng kanilang espirituwal na mga gawain at mga ritwal ng Umrah.

Sa panahon ng Umrah ngayong taon, maraming mga programa ang gaganapin sa dalawang lungsod ng Mekka at Medina, at ang pinakamahalaga rito ay ang mga sesyong Qur’aniko na lalahukan ng mga tagapagbasa ng Qur’an, mga tagapagpuri, at iba pa, ayon sa kanya. 

Dagdag pa ni Hojat-ol-Islam Roknoddini, ang layunin ng mga programang ito ay upang mapataas ang kamalayan at kaalaman ng mga manlalakbay.

Si Alireza Bayat, pinuno ng Samahan ng Hajj at Paglalakbay, ay nagsalita rin sa seremonya. “Ngayong araw, ang unang lipad ng mga manlalakbay ng Umrah ay aalis mula Tehran. Sa buwang ito, nakaplanong magkaroon ng dalawang lipad araw-araw mula Tehran at isa pang lalawigan patungong Lupain ng Pahayag. Nakaayos ang pagpapadala ng mga manlalakbay sa 17 na mga istasyon ng lipad,” sabi niya.

Isa sa mga hakbang na isinagawa upang mapadali ang paglalakbay ng mga manlalakbay patungong Bahay ng Diyos “ay ang pagpapaikli ng layo ng transportasyon para sa mga manlalakbay, at ang pagbiyahe sa pagitan ng dalawang lungsod ng Mekka at Medina ay gagawin na sa pamamagitan ng tren,” sabi niya.

Binigyang-diin ni Bayat na lahat ng kinakailangang imprastraktura ay naihanda na para sa pagdadala at pagtanggap ng mga manlalakbay, at sinabi niyang dahan-dahang dadami ang mga lipad sa susunod na mga buwan. “Sa kabutihang-palad, ngayong taon ay mayroon din kaming insentibong programa para sa kabataang mga mag-asawa, na halos isang libo na ang nakarehistro sa ngayon.”

Ang Umrah ay isang Mustahab (itinatagubilin ngunit hindi obligado) na paglalakbay sa Mekka na maaaring isagawa ng mga Muslim anumang oras ng taon, hindi katulad ng Hajj na obligadong gawin ng bawat malusog at may kakayahang mga Muslim minsan sa kanilang buhay at maaari lamang isagawa sa unang mga araw ng buwan ng Hijri na Dhul Hijja.

 

 

3494357

captcha