IQNA

Binoboykoteho ng Yaman ang mga Produkto ng mga Estado ng EU na Nasangkot sa Paglapastangan sa Qur’an

11:43 - April 03, 2023
News ID: 3005342
TEHRAN (IQNA) – Ipinagbawal ng Yaman ang pagpasok ng mga kalakal na ginawa ng mga bansang Uropiano na nagbigay-daan sa paglapastangan sa Banal na Qur’an, sa isang hakbang sa loob ng konteksto ng tinatawag ng pinuno ng kilusang paglaban ng Ansarullah na "mga parusang pang-ekonomiya".

Sa isang pagpupulong na pinamumunuan ng pinuno ng Kataas-taasang Konsehong Pampulitika ng Yaman na si Mahdi al-Mashat noong Sabado, kinondena ng konseho sa Sana'a ang paulit-ulit na pang-aabuso laban sa Banal na Qur’an, ang pinakahuli ay ang pagsunog sa Banal na aklat sa Denmark, sinabi ng ahensiya ng balita ng Yamani Saba.

"Inutusan ng konseho ang Pambansang Kaligtasan na Pamahalaan na pigilan ang pagpasok ng mga produkto mula sa mga bansang nagpahintulot ng pagkakasala sa Banal na Qur’an, at upang maghanda ng mekanismo ng pagpapatupad."

Mas maaga noong Biyernes, ang pinuno ng kilusang paglaban sa Ansarullah ng Yaman na si Seyed Abdul-Malik al-Houthi ay mariing kinondena ang krimen ng pagsunog ng Banal na Qur’an sa Uropa at binigyang-diin ang pangangailangan para sa mga Muslim na manindigan laban sa digmaan laban sa Islam.

"Ang ating kaugnayan sa panrelihiyon ay nangangailangan sa atin na magalit at ipahayag ang ating galit kapag nagsimula sila ng isang digmaan sa ating relihiyon," idiniin niya.

Sa pagtutukoy sa materyalistikong kalikasan ng Kanluran, sinabi ni al-Houthi na ang bansang Muslim ay dapat harapin sila ng sandata ng mga parusang pang-ekonomiya.

"Tayo, bilang mga Muslim, ay dapat na parusahan ang lahat ng mga bansa na pinahintulutan ang pagsunog ng Banal na Qur’an at legal na sinuportahan ito, dahil sapat na ang mga parusa upang pigilan ang mga kaaway at pilitin silang ihinto ang pag-iinsulto sa Islam," sinabi ni al-Houthi.

Ang dalas ng mga insulto laban sa Islam at ang banal na aklat nito ay tumaas sa Uropa.

Maraming mga bansa sa Uropa ang nagpapahintulot sa mga kasuklam-suklam na gawain na maganap sa kanilang mga lupain sa nakaraang mga buwan. Ang paglapastangan sa Qur’an ay nagdulot ng malawak na pagkondena mula sa mga bansang Muslim sa mundo.

Sa nakalipas na dalawang Biyernes, ang mga miyembro ng isang Danish na pinakakanang grupo, ang Patrioterne Gar Live, ay nagtipon sa labas ng embahada ng Turkey sa Copenhagen, nagpakita ng mga anti-Muslim na plakard at nagsunog ng kopya ng Qur’an kasama ang Turko na bandila na pambansa, habang ini-brodkas ito nang buhay sa kanilang pahina sa Facebook.

Tinuligsa ng Turkey, Iran, Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), Jordan, Morocco at Pakistan ang pagkilos na naglalayong saktan ang damdamin ng bilyun-bilyong mga Muslim sa buong mundo.

Sa isa pang tala, binasbasan ng konseho ang "kasunduan na naabot sa listahan ng mga bilanggo," umaasa na "magkakaroon ng iba pang mga ikot para sa pagpapalaya sa natitirang mga bilanggo."

Ang proseso ng pagpapalitan ng bilanggo ay naka-iskedyul para sa susunod na Abril 11, ayon sa mga kinalabasan ng kamakailang mga negosasyon sa Geneva sa pagitan ng mga partidong Yamani sa ilalim ng pamumuno ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations).

                                                                                                                   

3483017

captcha