IQNA

Mga Tip sa Kalusugan para sa Paglalakbay ng Hajj

10:00 - June 06, 2023
News ID: 3005604
TEHRAN (IQNA) – Ang Hajj, isang taunang Islamikong panrelihiyong paglalakbay sa banal na lungsod ng Mekka, ay malapit na sa atin, at ang espirituwal na paglalakbay ay nangangailangan din ng magandang medikal na paghahanda para sa isang kasiya-siyang karanasan.

Noong 2019, bago tumama ang pandemya ng COVID-19 sa mundo, humigit-kumulang 2.5 milyong mga peregrino ang lumahok sa Hajj. Noong 2020, upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo, pinaghigpitan ng gobyerno ng Saudi ang Hajj sa mga residente sa Saudi Arabia.

Sa pagluwag ng mga paghihigpit na nauugnay sa COVID, sinabi ng Ministro ng Hajj at Umrah ng Saudi na si Tawfiq bin Fawzan Al-Rabiah noong Enero na ang Kaharian ay nakatakdang tumanggap ng 2 milyong mga peregrino sa panahon ng Hajj ngayong taon, mula sa 900,000 noong nakaraang taon.

Ang lahat ng mga Muslim, sino may kakayahang pisikal at pinansiyal, ay kinakailangang maglakbay patungong Mekka minsan sa isang buhay.

Mahalagang manatiling malusog at malakas sa panahon ng pisikal na hinihingi na paglalakbay. Ang pagsasagawa ng ilang natatanging pag-iingat sa kaligtasan ay nakakatulong sa mga peregrino na manatiling nakatuon sa pagsamba.

Gayunpaman, ang ganitong masikip na pagtitipon ay kadalasang nagpapakita ng panganib para sa mabilis na pagkalat ng mga nakakahawang sakit katulad ng COVID-19 na alin nagdulot ng malaking banta sa kalusugan ng publiko sa buong mundo.

Bilang karagdagan sa mga naililipat na sakit, pagkalason sa pagkain at init na istrok (heat stroke) ay iba pang mga isyu sa kalusugan na maaaring harapin ng mga peregrino sa paglalakbay.

Ang mga mas matanda at may mga malalang sakit ay kailangan ding maging mas maingat upang maiwasan ang mas malalang kalagayan sa kalusugan.

Iyon ang dahilan kung bakit naglalabas ang mga organisasyong pangkalusugan ng mga rekomendasyon upang maiwasan ang mga epekto sa pandaigdigang pampublikong kalusugan sa malalaking taunang panlahat na mga pagtitipon sa mundo, kabilang ang paglalakbay ng Hajj.

Dahil sa pagsunod sa kalendaryong lunar, iba-iba ang mga panahon ng hajj. Mula 2005 hanggang 2013 ang paglalakbay ay bumagsak sa taglagas at taglamig kung saan maaari itong maiugnay sa mga sakit sa taglamig at habang umuunlad ang kalendaryong lunar ay nagaganap na ngayon sa mga buwan ng tag-araw kung kailan nangingibabaw ang iba't ibang mga sakit.

Ang pamahalaan ng Saudi Arabia ay taun-taon na naglalathala ng opisyal na mga kinakailangan at mga regulasyon sa kalusugan upang maiwasan at makontrol ang mga banta sa kalusugan sa panahon ng hajj.

Kasama rin dito ang isang listahan ng mga kinakailangan at inirerekomendang pagbabakuna kagaya ng meningococcal meningitis, COVID-19, polio, at MMR.

Sinasabi nito na dapat subukan ng mga peregrino na manatiling malusog at maging mas aktibo sa pisikal 4 hanggang 6 na mga linggo bago ang paglalakbay dahil ang paglalakbay ay maaaring maging mabigat at nagsasangkot ng paglalakad ng mga kilometro.

Ang pagkakaroon ng pangkalahatang check-up upang matiyak ang iyong mabuting kalusugan ay inirerekomenda din.

Ito ay nagtuturo sa mga peregrino na may alam na mga kondisyon sa kalusugan na uminom ng kanilang iniresetang gamot at magkaroon ng sapat na mga panustos para sa paglalakbay.

Upang maiwasan ang mga aksidente at mga pinsala, iminumungkahi nito ang pagsusuot ng komportable, proteksiyon na kasuotan sa paa at labis na pag-iingat kapag naglalakad sa tabi ng mga abalang kalsada, o malapit sa matinding trapiko.

Ang Saudi Arabia ay may tigang na klima. Upang maiwasan ang mga panganib sa kalusugan na nauugnay sa klima katulad ng sunog ng araw, istrok sa araw (sunstroke), pagkapagod sa init, istrok sa init (heat stroke), at kakulangan ng tubig (dehydration), inirerekomenda sa mga peregrino na magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat.

Ang paggamit ng mga iskrin sa araw (sunscreen), pag-inom ng maraming tubig, at pagsasagawa ng ilang mga ritwal sa gabi upang maiwasan ang mataas na temperatura sa araw ay nakakatulong.

Ang mabuting paghinga at kalinisan ng kamay ay magbabawas sa iyong panganib na mahawaan at kumalat ang mga impeksyon sa paghinga katulad ng trangkaso at COVID-19, idinagdag nito.

Upang maiwasan ang pagtatae, sinabi ng rekomendasyon na kailangan mong umiwas sa kontaminadong pagkain at mga inumin at panatiliin na maghuhugas ng mga kamay nang madalas, lalo na bago kumain at uminom.

Protektahan ang iyong sarili mula sa pagkagat ng mga lamok at iba pang mga insekto, dahil maaari silang magkalat ng mga sakit tulad ng dengue na lagnat (fever) at malaria, sinabi nito.

Sa iyong pag-uwi, iminumungkahi ng mga rekomendasyon na suriin mo ang anumang mga sintomas lalo na ang mga nauugnay sa impeksyon sa paghinga upang makatanggap ng maagang paggamot.

Ang pagiging maingat sa iyong kalusugan sa panahon ng hindi kapani-paniwalang paglalakbay na ito ay makakatulong sa iyong lubos na masiyahan sa makabuluhang karanasan.

                                                                                                                                                    

Ni Maryam Qarehgozlou

        

3483827

captcha