IQNA

Ano ang Qur’an/4 Qur’an, Isang Pinarangalan, Dakilang Aklat

9:35 - June 07, 2023
News ID: 3005608
TEHRAN (IQNA) – Inilalarawan ng Diyos ang Banal na Qur’an, bukod sa iba pang mga bagay, bilang isang pinarangalan at mataas na aklat.

Sa mga talata 13 hanggang 16 ng Surah Abasa, mababasa natin, “Sa mga pinarangalan na aklat (mga pahina). Dinadakila, dinalisay. Sa kamay ng mga eskriba. Maharlika, marangal.”

Sa mga talatang ito, ilang mga tampok ang nakasaad tungkol sa Qur’an:

1- Ang Qur’an ay isinulat sa mga pinarangalan na pahina. Ang salitang Arabik na ginamit dito ay Suhuf, na alin siyang maramihan ng sahifah. Ang ibig sabihin ng Sahifah ay mga piraso ng papel o luwad na alin kung saan may nakasulat. Ito ay nagpapakita na bago ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK), ang mga talata ng Qur’an ay naisulat na sa Suhuf. Ang mga Suhuf na ito ay maaaring pinarangalan ng kanilang mga sarili o pinarangalan ng pagpapala ng mga talata.

Mayroon ding etikal na punto dito, iyon ay, kapag ang Diyos, ang Makapangyarihan, ay pinarangalan ang isang bagay, dapat din natin itong igalang.

2- Dinadakila at dinalisay. Ang kadalisayan sa unang tingin ay tungkol sa kalinisan. Halimbawa, kung marumi ang ating mga damit o mga kamay, hinuhugasan natin ito ng tubig para malinis. Ngunit kapag pinag-uusapan natin ang kadalisayan ng Qur’an, nangangahulugan ito na ang Qur’an ay hindi maaaring baguhin o baluktot at ito ay malayo sa anumang mga kontradiksyon o mga pagdududa.

3- Sa mga kamay ng mga eskriba na marangal at banal. Ang mga ito ay tumutukoy sa mga anghel sino nagdadala ng kapahayagan sa Banal na Propeta (SKNK) at sila ay mga katulong ni Jibreel (Gabriel) at sa ilalim ng kanyang utos.

Ang nalaman ng isang tao mula sa mga puntong ito ay:                                                                     

Ang pinagmulan ng Qur’an at ang nagpadala nito, ang Diyos, ay pinarangalan: “… (Talata 40 ng Surah An-Naml)

Ang Banal na Qur’an ay pinarangalan din: "Katiyakang ito ay isang pinarangalan na Qur’an." (Talata 77 ng Surah Al-Waqi’ah)

Ang mga nagdala nito ay pinarangalan din: “Sa mga kamay ng mga eskriba. Maharlika, marangal.” (Mga talata 15-16 ng Surah Abasa)

Ang taong kung kanino ipinahayag ang Qur’an ay pinarangalan din: "Katiyakan, ito ay ang Salita na dinala ng isang pinarangalan na Mensahero." (Talata 40 ng Surah Al-Haqaa)

 

3483839        

captcha