
Ang Sentrong Pangkultura ng Islamikong Republika ng Iran sa Lebanon ang mangangasiwa sa paligsahan sa pakikipagtulungan sa Kapisanan ng Banal na Quran ng Lebanon.
Ang mga kalahok, mga lalaking may edad 18 hanggang 40, ay magtatagisan sa dalawang mga kategorya: pagsasaulo ng buong Quran at pagbigkas.
Ang paligsahang ito ay gaganapin sa dalawang mga yugto: birtuwal (paunang yugto) at harapang pagtitipon (kalahati-panghuli at panghuli).
Nagsimula ang pagpaparehistro para sa interesadong lumahok noong Enero 23 at magpapatuloy hanggang Pebrero 2. Ang makakakuha ng pinakamataas na mga puntos sa paunang yugto ay pahihintulutang lumahok nang personal sa kalahiti-panghuli na yugto.
Ang kalahok ay kinakailangang may husay sa pagbigkas ng Banal na Quran alinsunod sa tamang mga alituntunin at wastong intonasyon.
Ang pamantayan sa paghusga para sa kategorya ng pagbigkas ay kinabibilangan ng pagsunod sa mga tuntunin ng Tajweed (40 mga puntos), Sawt o kalidad ng boses (15 mga puntos), Waqf at Ibtida (20 mga puntos), at himig o tono (25 mga puntos). Sa pagsasaulo naman, ang pamantayan sa paghusga ay ang kalidad ng pagsasaulo (70 mga puntos) at kalidad ng pagbigkas (30 mga puntos).