Iniulat ng Saudi Press Agency (SPA) noong Biyernes na ang Komite na Ehekutibo ng intergovernmental na organisasyon ay magpupulong sa susunod na linggo sa imbitasyon ng Kaharian ng Saudi Arabia at ng Pangulo ng [OIC] Pagtitipong Islamiko upang tugunan ang isyu.
Ang kawalang-galang, na pinahintulutan ng korte ng Sweden, ay nagsasangkot ng dalawang lalaki na nagsunog ng mga pahina ng banal na aklat ng Muslim sa labas ng Moskeng Sentral ng Stockholm noong Miyerkules. Ang pangyayari ay kasabay ng Eid al-Adha, isang pagdiriwang ng mga Muslim na nagmamarka ng pagtatapos ng taunang paglalakbay ng Hajj na umaakit sa milyun-milyong mga Muslim mula sa buong mundo.
Sinabi ng SPA na ang pagpupulong ay magaganap sa punong-tanggapan ng OIC sa [sa daungan na lungsod ng Saudi] Jeddah at susuriin "ang mga kahihinatnan ng pagsunog ng isang kopya ng Banal na Qur’an sa Sweden sa unang araw ng Eid Al-Adha".
Idinagdag ng ulat na ang pagpupulong sa susunod na linggo ay tutukuyin ang mga hakbang na gagawin "laban sa karumal-dumal na gawa at upang iakma ang isang kolektibong posisyon sa kinakailangang kurso ng aksyon."
Binatikos ng mga Muslim mula sa buong mundo ang paglapastangan at ang pagbigay ng pahintulot ng Sweden para sa aksyon.