IQNA

Ang Surah An-Nisa ay Nagpapahiwatig ng Kahalagahan na Ibinibigay ng Qur’an sa Kababaihan

18:11 - January 14, 2024
News ID: 3006498
IQNA – Ang Surah An-Nisa, ang ikaapat na kabanata ng Qur’an, ay nagsisimula sa pagrekomenda ng Taqwa (may takot sa Diyos).

Dahil sa iba't ibang mga isyu tungkol sa mga kababaihan na binanggit sa Surah na ito, ito ay pinangalanang An-Nisa (kababaihan), na alin nagpapakita rin ng malaking katayuan at kahalagahan ng mga kababaihan sa Qur’an.

Ang Surah An-Nisa, na alin ipinahayag sa Medina, ay mayroong 176 na mga talata at nasa ika-4 hanggang ika-6 na mga Juz ng Qur’an. Ito ang ika-92 kabanata na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga isyu na binanggit sa Surah An-Nisa:

1- Pag-aanyaya sa mga tao sa paniniwala sa Diyos, katarungan at pagkaputol ng pakikipagkaibigan sa mga kaaway (ng Diyos).

2- Pagtuturo sa mga kuwento ng nakaraang mga tao at ang kapalaran ng mga lipunan.

3- Pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulong sa mga nangangailangan, kabilang ang mga ulila.

4- Nagpapaliwanag sa batas ng mana batay sa kaugalian at makatarungang ma pamamaraan.

5- Pagtuturo ng mga batas tungkol sa kasal at mga plano para sa pagpapanatili ng kalinisang-puri sa lipunan.

6- Nag-aalok ng pangkalahatang mga tuntunin tungkol sa pagprotekta sa panlahat na mga ari-arian.

7- Pagpapakilala sa mga kaaway ng Islamikong lipunan at babala sa mga Muslim na manatiling mapagbantay laban sa kanila.

8- Pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pamamahalang Islamiko at ang pangangailangang sumunod sa pinuno ng pamahalaang Islamiko.

9- Pagbibigay-diin sa kahalagahan ng Hijra (pandarayuhan) at mga kaso kung saan ito ay kinakailangan.

Magbasa pa:

  • Buhay, mga Kabutihan ni Maria at ng Kanyang Pamilya sa Surah Al Imran

Mayroong isang Hadith mula sa Banal na Propeta (SKNK) tungkol sa kabutihan ng pagbigkas ng Surah An-Nisa. Sinabi ng Propeta (SKNK) na sinumang magbasa ng Surah An-Nisa ay parang nagbigay siya ng pera sa landas ng Diyos kagaya ng halagang minana ng isang Muslim batay sa nilalaman ng Surah at bibigyan siya ng gantimpala ng pagpapalaya sa isang alipin.

Maliwanag, ang Hadith na ito at ang mga katulad nito ay hindi lamang tungkol sa pagbabasa ng mga talata, kundi pagninilay-nilay at pagkilos din sa mga ito sa personal at panlipunang buhay ng isang tao.

 

3486783

captcha