IQNA

Mga Moske sa Ehipto, Handa nang Salubungin ang Ramadan

18:59 - March 02, 2024
News ID: 3006706
IQNA – Inihahanda ang mga moske sa Ehipto para salubungin ang mga sumasamba sa banal na buwan ng Ramadan.

Ang kagawaan ng Awqaf ng bansang Arabo ay naglunsad ng isang malaking plano na kinabibilangan ng pagsasaayos, pagkukumpuni, at paglilinis ng mga moske bago ang banal na buwan.

Ito ay ipinatutupad sa salawikain ng "Paglingkuran ang mga bahay ng Diyos" at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng buwan ng Shaaban, iniulat ng balitang El-Balad.

Kasama sa plano ang pagpapalamuti ng mga moske na may mga ilaw, na alin matagal nang tradisyon ng Ramadan sa bansa.

Ang kagawaran ay nagplano din ng iba't ibang Quraniko at panrelihiyong mga programa sa moske sa panahon ng Ramadan.

Kasama sa mga ito ang mga pangkat sa pagbigkas ng Quran, mga kursong Quranikong Tajweed at pagbigkas, at nag-aalok ng mga turo sa mga konsepto ng Quran.

Ang Ramadan, na alin malamang na magsisimula sa Marso 11 ngayong taon, ay ang ikasiyam na buwan ng kalendaryong Islamiko.

Ito ay panahon ng pagdarasal, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa at pananagutan sa sarili para sa mga Muslim sa buong mundo.

Ang Quran ay ipinahayag sa puso ng Banal na Propeta (SKNK) sa buwang ito.

Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nag-aayuno (umiiwas sa mga pagkain at mga inumin) mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.

Naglalaan din sila ng maraming oras sa buwang ito sa pagbabasa at pagninilay-nilay sa Quran.

 
 
 
captcha