IQNA

Magdaraos ang Qatar ng mga Kaganapan sa Ramadan, mga Aktibidad sa ilalim ng Salawikain na 'Pagsunod at Pagpapatawad'

13:46 - March 02, 2025
News ID: 3008115
IQNA – May kabuuang 2,385 na mga moske sa Qatar ang inihanda upang tumanggap ng mga mananamba para sa nalalapit na banal na buwan ng Ramadan, kung saan iba't ibang espesyal na mga kaganapan at mga aktibidad ang isasaayos sa ilalim ng salawikain na "Pagsunod at Pagpapatawad".

Kasama rin sa paghahanda ng Kagawaran ng Awqaf at Islamikong mga Gawain ang pagtayo ng mga tolda ng Ramadan sa 24 na mga lugar upang mag-alok ng mga pagkain sa Iftar ngayong taon.

Umabot sa 200 na mga moske ang itinalaga para magsagawa ng I'tikaf. Sa panahon ng espirituwal na buwan, mahigit 950 relihiyosong mga aktibidad, kabilang ang mga seminar, mga panayam, at mga kumpetisyong pang-edukasyon, ang gaganapin.

Ang mga paghahanda ay inihayag sa isang panayam sa peryodista sa punong-tanggapan ng Kagawaran noong Lunes. Pagtugon sa panayam ng peryodista ng Kinatawan ng Kalihim ng Kagawaran ng Awqaf at Islamikong mga Gawain na si Sheikh Khalid bin Mohammed bin Ghanem Al Thani ang paglulunsad ng mga kaganapan at mga aktibidad sa Ramadan sa ilalim ng salawikain na "Pagsunod at Pagpapatawad" para sa Ramadan 2025.

Binigyang-diin niya ang katapatan ng Kagawaran na magbigay ng isang hanay ng may layuning mga hakbangin na nag-aambag sa pagpapahusay ng pananampalataya at kapaligiran ng kawanggawa sa panahon ng banal na buwan.

Inihayag ni Sheikh Khalid ang ilang mga proyekto na naglalayong ihanda ang mga moske upang tumanggap ng mga mananamba at mga nagsasagawa ng I'tikaf, na alin kinabibilangan ng pagpapanatili at mga kinakailangang kagamitan upang matiyak ang kaginhawahan ng mga mananamba.

Sabi niya, isang espesyal na programa din ang inihanda para maging kuwalipikado ang mga imam, lalo na ang mga Qatari, para sa mga pagdarasal ng Taraweeh at Qiyam sa panahon ng banal na buwan.

Binigyang-diin ni Sheikh Khalid na ang Kagawaran ay mag-oorganisa ng mga tolda ng Ramadan para sa pag-aalok ng Iftar sa mga taong nag-aayuno sa iba't ibang mga bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Pangkalahatang Departamento ng mga Pinagkaloob at sa suporta ng mapagbigay na mga donor. Sinabi ng Direktor ng Departamento ng Pamamahala ng mga Moske na si Dr. Suleiman Jumaan Al Qahtani na 2,385 na mga moske ang handang tumanggap ng mga mananamba na nagsasagawa ng mga panalanging pangkongregasyon, Taraweeh, at Qiyam sa panahon ng Ramadan.

Sinabi niya na ang mga pangangailangan ng mga moske na ito ay patuloy na sinusubaybayan sa mga tuntunin ng teknikal, pantao, at mga kinakailangan ng Sharia, at ang mga pagsisikap ay ginawa upang maibigay ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa kaugnay na mga departamento at mga awtoridad. Sinabi ni Al Qahtani na ang mga moske ay binibigyan ng mga serbisyo sa paglilinis na tuluy-tuloy sa pagitan ng mga panalangin at nilagyan din ng sapat na mga kopya ng Quran upang matugunan ang mga pangangailangan ng moske.

Sinabi niya na 1,308 na mga moske ang itinalaga para sa mga panalangin sa Biyernes kung saan ang mga mananalumpati ay tumatalakay sa mahahalagang mga paksa para sa mga sumasamba at mga pumupunta sa moske.

Mahigit sa 200 na mga moske ang itinalaga at inihanda para magsagawa ng I'tikaf, at ang listahan ng mga moske na ito ay iaanunsiyo sa lalong madaling panahon sa website ng Kagawaran.

Sinabi ng Direktor ng Kagawaran ng Zakat na mga Gawain na si Mal Allah Abdulrahman Al Jaber na inaasahan ng Kagawaran na mangolekta ng QR170m zakat sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.

Sinabi niya na ang Departamento ay nagpaplano na magpatupad ng tatlong mga hakbangin na may kaugnayan sa paghikayat sa mga tao na magbigay ng Zakat at Zakat Al Fitr at ipamahagi ang mga ito sa karapat-dapat na mga tao.

Sinabi ng Direktor ng Departamento ng Pang-inhenyero na mga Gawain sa Kagawaran na si Mohammed Yousef Al Ibrahim na ang mga moske ay handa mula sa mga aspeto ng pagpapanatili at mga serbisyo upang tumanggap ng mga mananamba sa panahon ng Ramadan. Sinabi niya na 15 bagong mga moske ang natanggap sa buong bansa bago ang Ramadan at 10 bagong mga moske ang bubuksan sa banal na buwan. Sinabi ng Direktor ng Departamento ng Panawagan at Panrelihiyon na Patnubay na si Jassim Abdullah Al Ali na kasama sa plano para sa Ramadan ang pagpapatupad ng 950 field activities na sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay at pananampalataya kabilang ang mga panayam sa moske, mga seminar, mga kumpetisyon para sa mga bata at iba pa para sa mga nasa hustong gulang, at mga pagbisita sa field sa mga pasyente sa mga ospital.

Ang Direktor ng Endowment Funds Department sa General Department of Endowments na si Jassim Bu Hazza ay nagsabi na ang Ramadan na mga tolda at mga lamisa ng Iftar ay itatayo sa iba't ibang mga lokasyon.

Sinabi niya na ang mga basket ng pagkain ay ipapamahagi sa mga pamilyang nangangailangan, at isang basket ng mga regalo ang ipapamahagi sa mga imam at mga muezzin, bilang bahagi ng inisyatiba upang suportahan ang mga imam at mga muezzin sa panahon ng banal na buwan.

 

3492035

captcha