IQNA

Opisyal na Muling Binuksan ang Imahen na Moske sa Mosul, Iraq

17:32 - September 04, 2025
News ID: 3008816
IQNA – Ang makasaysayang Malaking Moske ng al-Nouri sa hilagang lungsod ng Mosul, Iraq ay muling binuksan matapos ang pagtatapos ng operasyon ng muling pagtatayo. Makaraan ang walong mga taon mula nang wasakin ng grupong terorista na Daesh (ISIL o ISIS) ang moske gamit ang mga pampasabog.

The historic al-Nouri Grand Mosque in Iraq’s northern city of Mosul was reopened after the completion of the reconstruction operation.

Itinayo noong ikalawang kalahati ng ika-12 siglo, ang moske ay nanindigan bilang isang bantog na palatandaan sa loob ng humigit-kumulang 850 na mga taon.

Pinasabog ng Daesh ang mga pampasabog sa loob ng gusali noong 2017 habang pinipilit nitong panatilihin ang kontrol sa lungsod laban sa mga puwersa militar ng Iraq.

Ayon kay Punong Ministro ng Iraq na si Mohammed Shia al-Sudani, ang muling pagtatayo ng gusali ay “mananatiling isang mahalagang yugto, na nagpapaalala sa lahat ng mga kaaway tungkol sa kabayanihan ng mga Taga-Iraq, ang kanilang pagtatanggol sa kanilang lupain, at ang kanilang muling pagtatayo ng lahat ng winasak ng mga nais magkubli ng katotohanan.”

Dagdag pa niya, “Ipagpapatuloy namin ang aming suporta para sa kultura at mga pagsisikap na itampok ang mga sinaunang pamanang Iraqi bilang isang panlipunang pangangailangan, isang pintuan ng ating bansa patungo sa mundo, isang pagkakataon para sa napapanatiling pag-unlad at isang espasyo para makalikha ang kabataan.”

Ang moske ang naging lugar kung saan inihayag ng Daesh ang kanilang sariling idineklarang kalipa sa mundo noong 2014.  

Matapos ang paglaya ng Mosul walong mga taon na ang nakalilipas, nakipagtulungan ang UNESCO, ang ahensiyang pangkultura ng UN, sa mga awtoridad ng pamana at panrelihiyon ng Iraq upang muling maitayo ang lugar.

Ang proyekto ng muling pagtatayo ay nakalikom ng $115 milyon (€98.2 milyon), na may malaking kontribusyon mula sa EU at United Arab Emirates.

Tungkol sa mga pagsisikap ng muling pagtatayo, sinabi ng UNESCO na ito ay “hindi lamang isang hamong arkitektura,” kundi “isang simbolikong gawain ng muling pagkabuhay.”

Nagsimula ang unang yugto ng proyekto noong taglagas ng 2018, nang alisin ang mga mina at delikadong mga materyales sa lugar.

Hinimay din ang mga guho upang makahanap ng mahahalagang mga piraso na maaaring mapreserba at magamit sa panahon ng muling pagtatayo.

Isang koponang Ehiptiyano ang nanalo sa isang pandaigdigang paligsahan para idisenyo ang moske.

Iconic Mosque Officially Reopens in Iraq’s Mosul

Ipinakita nila sa publiko ng Iraq ang kanilang disenyo noong Mayo 2022, dalawang taon matapos matuklasan sa isang pagkakasuri na 70% ng mga lokal ang nais na muling maitayo ang mahahalagang bahagi ng bulwagan ng pagdasal ng Al-Nouri, ngunit may mga dagdag na pagpapabuti.

Sa panahon ng paghahanda, apat na mga silid mula pa noong ika-12 siglo, na alin pinaniniwalaang ginamit para sa paglilinis bago ang pagdasal, ang natuklasan sa ilalim ng sahig ng moske. Isinama ang mga ito sa muling disenyo.

Muling itinayo din ng proyekto ng muling pagtatayo ang mga simbahang winasak ng digmaan sa Mosul, bilang bahagi ng pagsisikap ng lungsod na mapanatili ang pamana ng nababawasan nitong populasyon ng Kristiyano.

Matapos ang malupit na pamumuno ng Daesh sa Mosul, tanging 20 na mga pamilyang Kristiyano na lamang ang nanatiling permanenteng mga residente sa lungsod, mula sa tinatayang 50,000 noong 2003.

 

3494449

Tags: Iraq
captcha