IQNA

Kabiserang Lungsod ng Yaman, Nagsasagawa ng Pandaigdigang Kumperensiya ng ‘Dakilang Propeta’

2:19 - September 17, 2025
News ID: 3008862
IQNA – Inilunsad sa Sana’a, kabisera ng Yaman, nitong Sabado ang ikatlong edisyon ng Pandaigdigang Kumperensiya ng Dakilang Propeta (SKNK).

The third edition of the “Great Prophet (PBUH) international conference was launched in Sana’a, the capital of Yemen, on September 13, 2025.

Inorganisa ito sa pamamagitan ng pagsisikap ng Taga-Yaman na Samahan ng Kawanggawa na Edukasyon ng Quran. Dumadalo sa kumperensiya ang mga iskolar, akademiko, at mga aktibistang pangkultura mula sa loob at labas ng Yaman, at ito ay tatagal ng tatlong mga araw, ayon sa ulat ng 26sep.net website.

Inilahad ang mga layunin ng kumperensiya bilang pagsusuri sa katauhan ng Banal na Propeta (SKNK) sa pamamagitan ng pagtukoy sa Quran at paggamit nito sa makabagong panahon, pagpapatatag ng makauring pamumuhay ng mga Muslim batay sa katauhan ng Propeta ayon sa Quran, pagpapalakas ng ugnayan sa mga turo ng Banal na Propeta (SKNK) bilang pinuno at huwaran, paggabay sa Ummah ng Islam tungo sa pagsuporta sa layunin ng mga Palestino, at pagpapatibay ng huwarang Propetiko sa paglaban sa mapagmataas na mga kapangyarihan.

Layunin din ng kaganapang ito, na dinaluhan ng mga mananaliksik, mga iskolar, at akademiko mula sa mahigit 30 na mga bansa, na gisingin ang pamayanang Islamiko at patatagin ang katatagan ng panloob na hanay ng mga lipunang Islamiko sa pagtatanggol sa Propeta (SKNK) at sa sagradong mga bagay ng Islam, gayundin upang isali ang mga piling Islamiko batay sa pananaw ng Quran sa pagharap sa karaniwang mga hamong kinakaharap ng sangkatauhan.

Tatalakayin ng kumperensiya ang 252 na pananaliksik sa pitong pangunahing mga larangan, kabilang ang pangkultura at panlipunan, pampulitika at pampamahalaan, pang-ekonomiya, pang-edukasyon at pagsasanay, trabaho, likhang-kamay at industriya, midya, at seguridad at militar.

Ipinahayag ni Qassem Abbas, tagapangulo ng kumperensiya, sa kanyang talumpati sa pagbubukas na 200 na mga pananaliksik mula sa loob ng bansa at 52 na mga pananaliksik mula sa ibang bansa ang tinanggap para sa kumperensiya at tatalakayin at ihaharap sa loob ng tatlong mga araw. 

Ang taunang siyentipikong kumperensiyang ito ay nagdadala ng mensahe sa mundo na buhay ang Ummah ng mga Muslim, nagpapatuloy ang misyon ni Muhammad, at hindi ito naapektuhan ng paglipas ng mga siglo, ni ng mga pagsisikap na baluktutin o dungisan ang mukha ng Propeta (SKNK), sapagkat ang misyong ito ay ang mensahe ng Diyos kung saan nagtapos ang iba pang mga misyong makalangit.

Ang Kumperensiya sa Sana’a ay nagsisilbi ring plataporma para sa pagkakaisa ng Ummah ng mga Muslim at binibigyang-diin na ang pagmamahal sa Propeta (SKNK) ay hindi limitado sa mga damdamin at mga emosyon, kundi natutukoy sa pamamagitan ng pagsunod sa katauhan ng Propeta (SKNK) at pagbuhay muli sa mga pagpapahalagang Propetiko.

  

3494601

 

captcha