IQNA

Binalaan ng Pagmamasid ng Al-Azhar ang Pag-abuso sa AI para Magpalaganap ng Poot Laban sa mga Muslim sa India

16:17 - October 23, 2025
News ID: 3008993
IQNA – Nagbabala ang Pagmamasid ng Al-Azhar para Labanan ang Ekstremismo na inaabuso ang paggamit ng artificial intelligence (artipisyal na katalinuhan) upang palalain ang poot laban sa mga Muslim sa India.

Al-Azhar Observatory Warns of AI Misuse to Spread Anti-Muslim Hate in India

Ang pahayag ay inilabas matapos ipahayag ng institusyon ang pag-aalala nito sa isang pelikua na ipinalaganap ng Bharatiya Janata Party (BJP) sa Assam, na alin umano’y gumamit ng mga kasangkapan ng AI upang lumikha ng Islamopobikong nilalaman para sa kampanya sa eleksyon. Ang pelikula ay nai-post sa opisyal na akawnt ng partido sa X (na dating Twitter) noong ika-15 ng Setyembre 2025.

Ayon sa pagmamasid, ang pelikula ay “nagpapakita ng maling imahe ng mga Muslim bilang isang ‘banta sa demograpiya’ at nagtataguyod ng mapanganib na mga pahayag na naglalayong maghasik ng takot at galit sa lipunan.”

Dagdag pa nito, ang ganitong uri ng mensahe ay isang “hayagang anyo ng Islamopobiya at pahayag ng poot na salungat sa mga pagpapahalagang pantao at sa Konstitusyon na nakabatay sa pagkamamamayan at katarungan.” Nagbabala rin ang pahayag na ang paggamit ng artificial intelligence (artipisyal na katalinuhan) upang lumikha ng huwad na propaganda sa politika ay “nagtatakda ng mapanganib na halimbawa para sa mga kampanya sa eleksyon at nagdudulot ng malalaking panganib sa kapayapaang sibil at pagkakaisa ng mga relihiyon.”

Nanawagan ang Al-Azhar sa Komisyon ng Halalan ng India na magsagawa ng agarang imbestigasyon hinggil sa legalidad ng naturang pelikula. Hinimok din nito ang mga opisyal na bumuo ng mahigpit na mga regulasyong digital ukol sa paggamit ng AI sa mga kampanyang pampulitika at palakasin ang pagbabantay sa mga plataporma sa onlayn upang mapigilan ang paglaganap ng mga pahayag ng poot.

Binigyang-diin ng pagmamasid na ang makabagong mga teknolohiya ay dapat “magsilbi sa sangkatauhan, sa kaunlaran, at sa pagsusulong ng kapayapaang panlipunan, at hindi maging kasangkapan ng pagkakawatak at pag-udyok ng alitan.”

 

3495074

captcha