IQNA

8:04 - March 15, 2017
News ID: 2095991
Ang kaligtasan ng Islamikong Rebolusyon, na naging saksi sa 220,000 na mga martir, ay magagarantiya sa pagsunod sa Banal na Qur’an.
Ito ay ayon sa representante ng Kataas-taasang Pinuno sa Pundasyon ng mga Martir at Abal ng mga Beterano, Hojat-ol-Islam Rahimian, sa kanyang pagsalita noong March 11 sa Pagdadasal ng Biyernes sa Tehran, sa pagdiriwang ng anibersaryo ng pundasyon.

Pinanumbalik ni Imam Khomeini (r.a.) ang dalisay na kultura ng kamatayan bilang isang martir sa lipunan, salamat sa mga aral ng Banal na Qur’an, sinabi niya, at tinawag ang debosyon bilang isa sa mga pinakamahalagang dahilan sa pagsiguro sa pagpapatuloy ng Islamikong Rebolusyon.

Pinuna niya na ang Islamikong Rebolusyon ay patuloy na lumalago at 220,000 na martir, 400,000 na mga tapat na handikap na beterano, at 42,000 na mga bilanggo ng giyera ang may nagawang napakahalagang tungkulin sa pagdilig ng mga prinsipyo ng Islamikong Rebolusyon.
Tinukoy ni Rahimian ang bersikulo 169 ng ika-3 na kabanata ng Banal na Qur’an na nagsasabing: “Huwag ninyong iisipin na yung mga namatay sa landas ng Allah ay patay na, kundi, sila ay buhay na kasama ng Panginoon at ipinagkakalooban.” Ang karangalan at kaluwalhatian ng Iran ngayon ay dahil, ng malaking parte, sa mga sakripisyo at malasakit na ginawa ng mga taga-Iran sa tagal na tatlong dekada, sinabi pa niya.
762019
Name:
Email:
* Comment: