IQNA

13:56 - March 23, 2017
News ID: 2097868
Binati ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon na si Ayatollah Sayyed Ali Khamenei sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng bagong taon ng Iran (1390 sa kalendaryo ng Persia na natapat sa ika-21 ng Marso, 2011) ang pagdating ng bagong taon at tagsibol.
Sa pagtukoy niya sa mga napakalawak at napakalaking nakamit ng bansang Iran at ng mga opisyales nito, pati na ang matulin na pag-unlad noong nakaraang taon na ipinangalanang “Ang Taon ng Ibayong Pagsisikap at Ibayong Pagtatrabaho” ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon, ipinangalanan ni Ayatollah Khamenei ang bagong taon na “Taon ng Pang-ekonomiyang Pagpupunyagi.”

Binigyang-diin ni Ayatollah Khamenei na lahat ng mga opisyales ng Iran pati na ang buong bansa ay nararapat na maghanda sa pagpapasakatuparan ng kaunlaran at ang pagpapatotoo ng hustisya sa pamamagitan ng kanilang mala-Jihad na mga gawain at dakilang pagsisikap.

Binati rin niya ang yumaong tagapagtatag ng Islamikong Republika ng Iran, si Imam Khomeini (r.a.) at ang lahat ng mga martir (namatay dahil sa kanilang pananampalataya) pati na ang mga mamamayan ng Iran at ang ibang mga bansang nagdiriwang ng Nowruz taon-taon.

“Binabati ko ang mga pamilya ng mga martir at ang mga beteranong may kapansanan, pati na ang mga pamilya ng mga kawani na naatasan ng mga sensitibo at mahahalagang gawain sa mga araw ngayon,” idinagdag ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon.

Sa kanyang pagtukoy sa mga kalunos-lunos na mga pangyayari sa Bahrain, Yemen at Libya, sinabi ni Ayatollah Khamenei na dahilan sa kapaitan ng mga kalunos-lunos na mga pangyayaring iyon “hindi tayo makapagdiwang ng masaya para sa bagong taon, at umaasa tayo na sana ay tulungan ng Diyos ang mga mamamayan ng mga bansang iyon.”

Sa pagtukoy sa pagpapangalan ng nakalipas na taon na “Ang Taon ng Ibayong Pagsisikap at Ibayong Pagtatrabaho,” pinuna ni Ayatollah Khamenei na malaki ang nakamit ng mga mamamayan ng Iran at ng mga opisyales nito at ang moto ng taong iyon ay napatupad sa kabuuan ng taon.

Pinuna rin ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon na ang “subsidized goods plan” ang isa sa mga pinaka-dakilang nakamit noong makalipas na taon.

“Ang bansang Iran ay nagkaroon ng bagong progreso sa daan ng pag-unlad at kasakdalan na lalong napapabilis bawa’t araw,” idinagdag pa niya.

Tinukoy niya ang mga pagsulong ng Iran sa siyentipikong produksyon, ayon sa mga pinaniniwalaang mga pandaigdigang organisasyon, na higit pa sa 11 na porsyento, at sinabing ang ganitong progreso ay dapat na mas seryosong ipinagpapatuloy.

Tinukoy rin ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon na ang pag-unlad ay kitang-kita sa iba’t-ibang larangan tulad ng sa ekonomiya, panlabas na diplomasya at pang-siyentipiko.

Tungkol sa mga Islamikong paggising sa mundo ng mga Muslim, sinabi ni Ayatollah Khamenei na ang mga pagkilos kamakailan lamang ay mga tagapagbalita ng kaunlaran at hustisya sa rehiyon.


Name:
Email:
* Comment: