IQNA

15:54 - May 11, 2017
News ID: 2120020
Ang impluwensya ng mga diskurso ng Kataas-taasang Ayatollah Mazaheri ay lumagpas pa sa mga tagapagpakinig na mga Muslim, ayon sa kawani ng Qur’an TV.
Kahit mga Hindi Muslim Naimpluwensiyahan ng mga Diskurso ng Kataas-taasang Ayatollah Mazaheri
 Ang impluwensya ng mga diskurso ng Kataas-taasang Ayatollah Mazaheri ay lumagpas pa sa mga tagapagpakinig na mga Muslim, ayon sa kawani ng Qur’an TV.
Idinagdag pa ni Ahmad Sharifzadeh na pati ang mga Zoroastriyano ay nakinig sa kanyang mga diskurso sa programa sa radio na Safay-e Del. Ang mga programang nagtampok sa dakilang Ayatollah ay nag-umpisa noong 1981 at nagpatuloy hanggang 2004.
“Ito ay kabilang sa ilang mga programa sa radyo na hindi nagpatugtog ng musika, dahil sa kagustuhan ng dakilang Ayatollah na ang mga prinsipyo ng Sharia ay lubusang sundin,” dagdag pa niya. “Sa halip, ang grupo ng Tawasheeh (mga awiting pangrelihiyon) ang kumakanta ng mga awiting pangrelihiyon sa programa.”
Ayon kay G. Sharifzadeh ang programa ay maraming tagapagkinig, kabilang na dito ang mga hindi Muslim. “Naalala ko minsan nang hindi nagkaroon ng programa sa radyo dahil sa suliraning teknikal. Nang sumunod na linggo, nakatanggap kami ng liham mula sa isang komunidad ng mga Zoraoastriyano na nagtatanong kung ano ang naging problema. Sinabi nila, na itinala at nilagay nila ang programa ng dakilang Ayatollah sa kanilang archive dahil ang mga salita ng Ayatollah Mazaheri ay nagpapaalala sa kanila ng mabuting pag-iisip, mabuting mga salita at mabuting gawa (ang tatlong pinakamahalagang kautusan ng Zoroastriyanismo).”
“Isa sa mga paksang tinalakay ng Kataas-taasang Ayatollah Mazaheri sa radyo ay ang pagkahumaling sa isipan at gawa. Isa sa mga tagapagkinig ay isang matandang lalaki na lumapit sa amin at nagsabing ang kanyang asawa na naging “obsessive-compulsive” ay nagbago ng kanyang hindi normal na pag-uugali mula nang siya ay makinig sa programa.”



788401
Name:
Email:
* Comment: