IQNA

16:49 - May 12, 2017
News ID: 2120706
Kinakailangang isa sa mga layunin ng mga pag-aalsa sa rehiyon ay ang pagtutol sa Zionismo dahil ang mga karanasan noong makalipas na dekada ay nagpapakita na ang pagtutol sa mga despotikong rehimen ay nagiging mabunga kung ang mga bansa ay sabay na tututol sa Zionistang rehimen.
Ito ay ayon kay Hojat-ol-Islam Mahdi Taeb, isang iskolar sa pamantasan at seminaryo, sa kanyang pagsalita sa isang pulong noong Lunes na ipinamagatang “Pagsiyasat sa Paggising sa Mundo ng Islam.”
Sa kanyang pagtukoy sa pag-aalsa sa Bahrain, sinabi niya na ito ay lumalakas bawat araw at yumayanig sa pundasyon ng mga rehimeng Al-e Khalifa at Saudi.
Tinukoy niya ang tagumpay ng bansang Iran laban sa rehimeng Pahlavi at sinabing, “Ang mga rehimeng Al-e Khalifa at Al-e Saud ay hindi mas matibay sa mga Pahlavi.”
Idinagdag pa niya na ang mga mamamayan ng Bahrain ay magtatagumpay sa pamamagitan ng pag-alay ng mas maraming mga martir at hindi rin maililigtas ng rehimeng Saudi ang rehimeng Al-e Khalifa.
Sinabi rin niya na, “Ang mga bansa ay nagdurusa sa ilalim ng diktadura dahilan sa kawalan ng kaalaman.” At tinukoy niya si Imam Khomeini (r.a.) bilang isang dakilang pinuno na nagbigay ng kaalaman sa mga tao at pinamunuan ang rebolusyon tungo sa tagumpay.”


789541
Name:
Email:
* Comment: