IQNA

8:23 - May 15, 2017
News ID: 2121544
Ang Tanggapan ng Pagsulong ng Islam ng probinsya ng Qom ay nag-isyu ng pahintulot para sa paglilimbag ng 148,000 na kopya ng Qur’an noong makaraang taon ng Iran (nagwakas noong ika-21 ng Marso).
Ayon sa sangay ng IQNA sa Qom, ipinaliwanag ding mabuti ni Hojatol Islam Seyyed Javad Azimi, na siya ring pinuno ng tanggapan ng Sentro ng Dar-ol-Qur’an, ang iba pang mga aktibidades ng sentro sa nakalipas na taon.

Ayon sa kanya, ito ay nagbigay ng 2000 na kopya ng Qur’an sa mga moske at sentro ng Qur’an sa probinsya.

Ang sentro ay bumuo ng 22 na pagsasanay para sa mga guro ng Qur’an, kung kaya’t ang Qom ay sumusunod sa Tehran kung ang dami ng mga pagsasanay ang pag-uusapan.

Sinabi rin ni Hojatol Islam Azimi na sa nakalaang 1.69 na bilyon na gugugulin ng Tanggapan ng Pagsulong ng Islam ng probinsya, 0.23 na bilyon ang ibinigay sa Sentro Dar-ol-Qur’an para sa pagbuo ng mga aktibidades nito.
775371
Name:
Email:
* Comment: