IQNA

10:06 - May 21, 2017
News ID: 2125272
Base sa paaralan ng Ahlul Bayt (A.K.A.M.), sinuri ni Allameh Askari ang ibang paaralan ng kaisipan base sa lohika at karunungan at iniwan sa mga magbabasa ang pagdedesisyon, sinabi ng isang iskolar ng pamantasan at seminaryo.
Idinagdag ni Hojat-ol-Islam Seyyed Mohammad Qaem Maqami na ang ganitong pamamaraan ang ginamit ni Allameh Askari upang itaguyod ang kalapitan at pagkakaisa, sa kanyang pagsalita sa isang pagpupulong na pinamagatang “Allameh Askari: Tagapagtanggol ng Prontera ng Shia” na iginanap sa pakikipagtulungan ng IQNA at Instituto Allameh Askari.
Ayon sa kanya, pinagkukumpara ni Allameh Askari ang mga turo ng dalawang paaralan ng kaisipan at hinahayaan ang mga magbabasa na magdesisyon kung alin ang mas malapit sa katotohanan.
Sinabi ni Hojat-ol-Islam Seyyed Mohammad Qaem Maqami na ang pamamaraan ni Allameh, katulad ng kay Imam Khomeini (RA), ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon at ng iba pang mga dakilang iskora, ay ang pagpuna na walang kasamang pang-iinsulto.
Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng pagbigay ng kaukulang pansin sa payo ni Allameh Askari at ng iba pang mga iskolar sa larangang ito.

792033
Name:
Email:
* Comment: