IQNA

7:58 - May 23, 2017
News ID: 2126715
Nanawagan ang Tanggapan ng Mufti sa Bulgaria na magkaroon ng pagpapahintulot sa relihiyon sa mga Muslim at Kristyano ng bansa.
Ito ay matapos ang panggugulo na ginawa ng isang radikal na grupo ng Kristyano habang ginaganap ang pangaral sa dalangin noong Biyernes sa Sofia.
Sinubukan ng mga miyembro ng radikal na grupo ng Attaka na maputol ang pagdasal noong Biyernes sa pamamagitan ng pagsigaw ng mga dasal at awiting Kristyano at pagkalembang ng kampanilya ng simbahan.

Nagpatuloy ang pagdarasal matapos makialam ang mga polisya.

Naglabas ng pahayag ang Tanggapan ng Mufti ng Bulgaria kung saan kinondena ang pangyayari at nanawagan sa lahat ng mga partidong pampulitika at mga politiko ng bansa na huwag pahinain ang pagpapahintulot sa relihiyon sa gitna ng mga Muslim at Kristyano.

Humigit kumulang na 1500 na mga Muslim ang dumadalo sa pagdasal tuwing Biyernes sa makasaysayang moske ng Baniyabashi sa kabisera ng Sofia.
784438
Name:
Email:
* Comment: