IQNA

16:28 - May 26, 2017
News ID: 2128870
Tinuring ng tagapagsalita ng Majlis ng Iran ang impluwensya ng Estados Unidos at ang pagsulong tungo sa diktadura bilang dalawang pangunahing banta sa mga malawakang pag-aalsa sa rehiyon, inulat ng Khane Mellat.
Pagsulong Tungo sa Diktadura Nagbabanta sa mga Malawakang Pag-aalsa
 Tinuring ng tagapagsalita ng Majlis ng Iran ang impluwensya ng Estados Unidos at ang pagsulong tungo sa diktadura bilang dalawang pangunahing banta sa mga malawakang pag-aalsa sa rehiyon, inulat ng Khane Mellat.
Sa kanyang pakikipagkita sa dalawang prominenteng politiko mula sa Ehipto, idinagdag ni Ali Larijani na ang pagtatag ng mga demokratikong sistema ng parliyamento sa mga bansa kung saan ang mga malawakang pag-aalsa ay naganap ay magpapahina sa mga bantang ito.
Binigyang-diin niya ang mga mahahalagang katayuan ng Iran at Ehipto sa mundo ng Islam at sinabing ang relasyon bilang magkakapatid sa gitna ng dalawang bansa ay maaaring magkaroon ng estratehikong epekto sa mga ugnayan sa loob ng mundo ng Islam.
Binigyan-diin rin niya na ang pamahalaan ng Iran at ang buong bansa ay nagbigay ng suporta sa mga malawakang pag-aalsang ito sa Ehipto mula sa umpisa pa lamang.
Idinagdag pa niya na ang mga pagsulong kamakailan lamang sa Ehipto ay maghahanda ng daan para makuha ng bansa ang katayuang angkop dito sa mundo ng Islam.
“Ang US, ang rehimeng Zionista at ilan sa mga kaharian sa rehiyon ay labag sa pagkakapatirang ito sa gitna ng Iran at Ehipto,” sinabi niya.

793470

Name:
Email:
* Comment: