IQNA

20:10 - May 27, 2017
News ID: 2129144
Habang ang taga-sunog ng Qur’an na pastor galing sa Florida ay naghahanda ng protesta ngayong Biyernes Santo sa labas ng pinakamalaking moske sa Dearborn, sinabi ng mga pinuno ng iba’t-ibang relihiyon na sila rin ay nagbabalak na tapatan ang mensahe niyang ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pagkakaisa.
Mga iba’t-ibang pinuno ng relihiyon – Protestante, Hudyo, Katoliko, Muslim at iba pa- ay nagpaplano ng isang malaking pamamahayag sa Huwebes sa Sentro ng Islam ng Amerika, kung saan sinabi ni Pastor Terry Jones siya ay magpoprotesta laban sa radikal na Islam. Ang mga ministro at iba pang dadalo ay nagbabalak na mag kawing ng kamay palibot sa moske bilang sagisag sa pagtanggol nito laban kay Jones, na kanilang binansagan bilang naghahati.
“Ito ay isang pagkakataon upang ipakita ang ibang pananaw kaysa sa kanyang dinadala,” ayon kay Rev. Daniel Buttry, isang Baptist na pastor galing sa Hamtramck na miyembro ng Konseho ng Pamumuno ng Interfaith.

Nagsagawa ang konseho ng isang petisyon sa internet kung saan nakalap nito ang higit na 1,500 na mga lagda. Ang bahaging ito ay nakasulat sa petisyon: “Kami…ay magkasamang tumututol sa mga gawain ng mga taong naglalayong magpalaganap ng galit at takot, at gumagamit sa maling paraan at nilalapastangan ang mga banal na aklat ng pananampalataya.”


777887
Name:
Email:
* Comment: