IQNA

16:22 - September 19, 2019
News ID: 3000953
TEHRAN (IQNA) - Mahigit sa 7,000 na mga kopya ng Banal na Qur’an ay naibalik sa mga lalagayan ng aklat sa pag-iikotan na pook (Mataf) ng Malaking Mosque sa Mekka, Saudi Arabia, bilang lugar na hindi gaanong masikip ngayon sa pagtatapos ng panahon ng Haj sa itong linggo.

Halos 170 na lalagyan ng mga aklat ay inilagay ang lahat sa mga lugar ng panalangin sa Mataf at sa bubong ng Malaking Mosque upang ang mga sumasamba at mga bisita ay makakakuha ng mga pagpapala sa pagbibigkas ng Banal na Qur’an sa harap ng Banal na Kaaba at sa lahat ng sulok ng Banal na Haram.

Isang mataas na opisyal sa Malaking Mosque na si Ghazi Bin Fahd Al-Dhibyani, ay nagsabi na ipinamahagi ng administrasyon ang mga lalagyan ng aklat ng Qur’an sa lugar ng Mataf (pag-iikotan) at sila ay nakasalansan na may higit sa 7,000 na mga kopya ng Qur’an ng iba't ibang laki at naglalaman ng komentaryo sa Qur’an sa magkakaibang mga wika.

Idinagdag ni Al-Dhibyani na ang mga kopya ng Qur’an ay nakalimbag sa King Fahd Complex para sa Paglilimbag ng Banal na Qur’an sa Madinah. Mga komite ay nabuo upang subaybayan at sundin ang katayuan ng mga lalagyan ng aklat, punuin ang mga ito ng bagong mga kopya ng Qur’an habang ang mga kopya na nangangailangan ng pag-aayos ay tinanggal mula sa mga lalagyan ng aklat.

Ang serbisyong ito ay ibinibigay sa buong oras ng mga manggagawa at mga empleyado sino nagtatrabaho sa apat na mga pagpalit. 

 

Pinagmulan: The Saudi Gazette

http://iqna.ir/en/news/3469431

Name:
Email:
* Comment: