IQNA

13:15 - October 09, 2019
News ID: 3001014
TEHRAN (IQNA) - Si Zeinab Feizi ay kumakatawan sa Islamikong Republika ng Iran sa susunod na edisyon ng Kumpetisyon Pandaigdigan ng Qur’an para sa mga kababaihan sa Dubai.

Ang sekretarya ng komite sa Pag-anyaya at Pagpapadala ng Qur’an na mga Magbabasa at mga Magsasaulo ay nagsabi sa pahayag na si Feizi ay napili bilang kinatawan ng Iran matapos na magtapos bilang nangungunang kalahok sa natatanging programa na ginanap sa Tehran noong Lunes.

Labing-isang mga magsasaulo ng Qur’an ang nakibahagi sa programa na kung saan ang kanilang mga pagtatanghal ay nasuri ng lupon ng mga hukom na binubuo ng nangungunang mga dalubhasa sa Qur’an.

Si Feizi nakakuha ng pinakamataas na marka sa programa at, samakatuwid, napili bilang Qur’an na magsasaulo na makikipagkumpitensya para sa Iran sa pandaigdigang kaganapan.

Ipinanganak noong 2011 sa Tehran, si Feizi ay isang magsasaulo ng buong Qur’an.

Ang ika-4 na edisyon ng Sheikha Fatima Bint Mubarak International Holy Quran Competition ay gaganapin sa Dubai sa ilang mga linggo.

Ang Iran ay kinakatawan sa nakaraang mga edisyon ng paligsahan nina Hannaneh Khalafi, Zahra Sadat Hosseini at Zahra Khalili Samarin ayon sa pagkakabanggit. 

 

https://iqna.ir/en/news/3469605

Name:
Email:
* Comment: