IQNA

21:48 - January 22, 2020
News ID: 3001332
TEHRAN (IQNA) – Isang lupon na hinirang ng gobyerno na itinatag sa Myanmar upang masuri ang mga paratang ng pang-aabuso doon sa estado ng Rakhine noong 2017 na umakit ng pandaigdigang pagkagalit nagsabi noong Lunes na wala silang natagpuan na katibayan ng maraming pagpatay [genocide] laban sa minoryang Muslim na Rohingya.

Mahigit sa 730,000 na Rohingya ang tumakas sa estado ng Rakhine sa mga linggo ng marahas na karahasan, na kung saan sinabi ng Nagkakaisang mga Bansa [United Nations] na ang mga panggagahasa at maraming mga pagpatay ay isinagawa na may "maraming pagpatay na layunin". Daan-daang mga nayon ang sinunog at kalaunan ay winasak.

Kahit na kinikilala ng lupon ang "mga krimen sa digmaan" na nangyari, ang mga grupo ng karapatan at mga pinuno ng Rohingya ay tinanggihan ang ulat bilang isang "pagtatakip sa kasalanan" na araw bago ang isang inaasahang kapasiyahan ng pinakamataas na korte ng UN sa kaso ng maraming pagpatay [genocide] laban sa bansa.

Sinabi ng komisyon ng pagsusuri na may mga "makatuwirang mga batayan" upang makapagpasiya na ang mga miyembro ng mga puwersang panseguridad kasali sa "maraming mga aktor" na mayroon na pananagutan sa posibleng mga krimen sa giyera at malubhang paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng paghihigpit na pinamunuan ng militar laban sa grupo noong 2017.

Kasama dito ang "pagpatay sa inosenteng mga tagabaryo at pagkasira ng kanilang mga tahanan", sinabi nito.

Ngunit sa pahayag nito, na inilabas upang markahan ang pagwawakas ng buong ulat batay sa mga pakikipanayam sa mga tagabaryo at mga kasapi ng mga puwersang panseguridad, sinisi ng lupon ang mga militanteng Rohingya sa pag-atake sa 30 na mga pulisya at "hinihimok" ang paghihigpit at inilarawan ang kalagayan bilang isang "panloob na armadong kaguluhan”.

"Ang ICOE ay hindi natagpo ng anumang katibayan na nagmumungkahi na ang mga pagpatay o mga kilos na pag-aalis na ito ay ginawa ayon sa isang hangarin o plano upang puksain ang Muslim o anumang ibang komunidad sa hilagang Rakhine na Estado," ang pagbasa ng pahayag ng lupon.

"Walang sapat na ebidensya upang pagtatalunan, mas mababa ang pagpapasiya, na ang mga krimen na nagawa ay isinagawa na may hangarin na sirain, ang kabuuan o bahagi, pambansa, etniko, lahi o relihiyong pangkat, o sa anumang iba pang kinakailangang estado ng kaisipan para sa pangdaigdigang krimen ng maraming pagpatay."

Sinabi ng Pangulo ng Myanmar na si Win Myint sa isang pahayag noong Martes na ang gobyerno ay "sumang-ayon" sa mga natuklasan ng komisyon at nangako na ituloy ang mga pagsisiyasat, partikular sa sinasabing mga krimen ng mga sibilyan at mga militanteng Rohingya.

Sinabi niya na ibinigay niya ang ulat sa pinuno ng hukbo, upang ang militar ay maaaring mapalawak ang patuloy na pagsisiyasat, sabi niya, na idaragdag na ang buod ng ehekutibo ay isasapubliko.

Ang hukbo ay nagsimula ng isang bihirang pagsubok sa Nobyembre ng mga sundalo at mga opisyal mula sa isang regimen na ipinadala sa nayon ng Gu Dar Pyin, ang lugar ng isang di-umano’y doon naganap ang maraming pagpatay sa mga Rohingya.

Dalawang tagapagsalita sa militar ay hindi maabot para sa komento ng Reuters.

Sa Bangladesh, kung saan ang daan-daang libong mga Rohingya sino tumakas sa Myanmar ay nagtago, ang isang pinuno ng Rohingya na si Dil Mohammed, ay inilarawan ang ulat bilang isang pagtatakip sa kasalanan.

"Kami ay pinag-usig sa loob ng maraming mga dekada. Sa gayon marami sa aming mga tao ang namatay, ang aming mga kababaihan ay ginahasa, ang aming mga anak ay itinapon sa apoy at ang aming mga tahanan ay sinunog. Kung hindi iyon maraming pagpatay [genocide], ano pala iyon?” Sinabi niya.

Ang Pandaigdigang Korte ng Hustisya [International Court of Justice], ang pinakamataas na korte ng UN, ay magpapalabas ng isang kapasiyahan sa kahilingan para sa agarang mga hakbang sa kaso ng maraming pagpatay laban sa bansa.

Isinampa ng Gambia ang demanda noong Nobyembre na nagsasabing ang Myanmar ay gumagawa ng "patuloy na pagpatay ng lahi" laban sa Rohingya.

Ang komisyon ng pagsusuri ay nabuo noong 2018 habang ang bansa ay hinaharap ang lumalaking mga panawagan para sa pananagutan. Itinalaga ng gobyerno ang dalawang lokal at dalawang pandaigdigang mga kasapi - ang Pilipinong diplomatiko na sina Rosario Manalo at Kenzo Oshima, isang dating embahador ng Hapon sa Nagkakaisang mga Bansa [United Nations].

Sinabi ng Myanmar na ang pandaigdigang pagsisikap ay lumalabag sa soberanya nito at nangako na isagawa ang sariling pagsisiyasat sa mga paratang.

Ngunit kakaunti ang naparusahan hanggang ngayon. Pitong mga sundalo ang nakakulong para sa loob ng 10 mga taon dahil sa pagpatay sa 10 kalalakihan at batang mga lalaki ng Rohingya sa nayon ng Inn Din ay binigyan ng maagang pagpapalaya noong Nobyembre, matapos ang paglilingkod nang mas mababa sa isang taon sa bilangguan.

 

https://iqna.ir/en/news/3470411

Name:
Email:
* Comment: