
Si Sheikh Saleh bin Fawzan bin Abdullah Al-Fawzan ay itinalagang Mataas na Mufti ng Saudi Arabia sa pamamagitan ng isang kautusang hari, ayon sa opisyal na ulat ng ahensiyang balita ng SPA noong Miyerkules ng gabi. Pinalitan ni Fawzan ang konserbatibong si Abdulaziz al-Asheikh, na pumanaw noong Setyembre matapos maglingkod ng mahigit dalawampung mga taon sa nasabing tungkulin.
Itinalaga siya sa katayuan batay sa rekomendasyon ng Prinsiping Kinokoranahan na si Mohammed bin Salman, ang de facto na pinuno ng Saudi Arabia.
Ang pagkakahirang kay Fawzan ay hindi nakakagulat, ayon kay Umar Karim, isang dalubhasa sa patakarang Saudi mula sa University of Birmingham sa Inglatera.
Ito ay naaayon sa “matagal nang patakaran ng Saudi Arabia sa larangan ng relihiyon na pumipili ng pinakamatanda at pinakamataas ang paggalang na alim (iskolar ng relihiyon) sa loob ng konseho bilang kahalili,” ayon kay Karim sa AFP. “Bagaman nagbago na at patuloy pang nagbabago ang kalagayang panlipunan, nananatiling pareho ang mga pamamaraang panrelihiyon at kung paano ito pinapatakbo,” dagdag pa niya.