IQNA

Pinalayang Bilanggong Palestino, Isinalaysay ang Paglapastangan sa Quran sa mga Bilangguan ng Israel

18:26 - October 27, 2025
News ID: 3009010
IQNA – Isinalaysay ng isang bilanggong Palestino na pinalaya mula sa kulungan ng Israel ang malupit at di-makataong kalagayan sa mga bilangguan ng rehimeng Zionista, kabilang ang paglapastangan sa Quran at ang pagbabawal sa panawagan sa pagdarasal (Adhan).

Regime forces in an Israeli jail

Si Anas Allan, sino nagmula sa Qalqilya sa kanlurang bahagi ng West Bank, ay ibinunyag ang malulupit at di-makataong kalagayan ng mga bilanggo sa mga kulungan ng rehimeng Israel. Binanggit niya na matapos ang digmaan sa Gaza, ang mga kulungan ay tila naging mga libingan na imbes na mga lugar ng pagkakakulong, ayon sa ulat ng Quds Press.

Si Allan, sino nasentensiyahan ng habangbuhay na pagkakakulong, ay pinalaya matapos ang 19 na mga taon ng pagkakapiit bilang bahagi ng kasunduang “Tufan al-Ahrar 3.” Ayon sa kanya, namuno nang may matinding kamay ang administrasyon ng kulungan ng mga Zionista matapos magsimula ang digmaan ng paglipol ng lahi sa Gaza.

Ipinaliwanag niya na ang mga guwardiya sa kulungan ay naging mga ganap na mga pinuno sino direktang kumukuha ng mga utos mula kay Ben-Gwer (ministro ng panloob na seguridad ng Israel) at kay Smotrich (ministro ng pananalapi ng Israel).

Tungkol sa paglapastangan sa banal na mga bagay sa mga kulungan ng Israel, ipinaliwanag ni Allan na nagkasala ng mabibigat na paglabag ang administrasyon ng kulungan, gaya ng pagtapon ng mga kopya ng Quran sa mga palikuran, pagbabawal sa panawagan ng pagdarasal at sa sama-sama o indibidwal na mga pagdarasal, at pagbabanta na kukumpiskahin ang mga banig-pagdasal.

Tungkol naman sa kalagayan ng pamumuhay sa mga kulungan, binigyang-diin ng mandirigmang Palestino na ito na tuluyan nang tinanggal ang mainit na tubig sa siksikang mga silid na tinitirhan ng 17 hanggang 18 bilanggo, at pinapayagan lamang silang maligo nang 15 na mga minuto bawat araw.

Tungkol sa patakaran ng sinadyang gutom, sinabi ni Allan na kulang na kulang ang mga pagkain — isang pagkain lamang na binubuo ng dalawang plato ng kanin at isang pirasong tinapay ang ibinibigay sa 12 mga bilanggo, na nagiging sanhi ng labis na pagbagsak ng timbang at malulubhang karamdaman sa kanila.

Ikinuwento rin niya ang patakaran ng ganap na pag-iisa at kuwarantina, kung saan ipinagbabawal sa mga bilanggo ang lumabas ng kulungan sa loob ng mga linggo o mga buwan. Gumuhit pa raw ng mga linya sa sahig upang pigilan silang makipag-usap sa isa’t isa. Ang sinumang lumabag sa mga patakarang ito ay pinaparusahan at binubugbog.

Binigyang-diin ni Allan na ang mga naganap sa mga kulungan ng pananakop matapos ang digmaan sa Gaza ay isang sistematikong krimen laban sa mga bilanggong Palestino. Nanawagan siya ng agarang pagkilos ng mga organisasyong makatao at tagapagtanggol ng karapatang pantao upang wakasan ang ganitong kalagayan.

Mula pa noong Oktubre 7, 2023, ang rehimeng Zionista, sa tulong ng Estados Unidos at Uropa, ay nagsagawa ng paglipol ng lahi, pagpatay, pagpapagutom, paninira, pagpapalayas, at pagkulong sa mga Palestino sa Gaza Strip, habang binabalewala ang mga panawagan at kautusan ng Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan upang itigil ang digmaan sa Gaza.

Ang paglipol ng lahi na ito ay nagresulta sa pagkamatay o pagkasugat ng mahigit 238,000 na mga Palestino — karamihan ay mga bata at kababaihan — at mahigit 11,000 pa ang nawawala.

Libo-libong pamilya rin ang nawalan ng tirahan, at ang matinding taggutom ay kumitil ng napakaraming buhay, karamihan ay mga bata. Nagdulot din ito ng ganap na pagkawasak at pagbura sa karamihan ng mga lungsod at lugar sa Gaza Strip.

 

3495146

captcha