IQNA

8:24 - February 09, 2020
News ID: 3001389
TEHRAN (IQNA) - Pinuno ng Islamikong Rebolusyon Ayatollah Seyed Ali Khamenei binigyang diin na ang mga banta laban sa bansa ay maaaring maging mga pagkakataon.

Sa anibersaryo ng makasaysayang katapatan ng mga kumandante ng Hukbong Himpapawid kay Imam Khomeini (kawaan siya ng Allah), nabuo noong Pebrero 8, 1979, isang pangkat ng mga kumandante, mga piloto at mga kawani Hukbong Himpapawid ay nakipagpulong kay Ayatollah Khamenei sa Sabado ng umaga.

Sa pag-uusap sinabi ng Pinuno, "Sa panahon ng pamamahala ng mga Pahlavi, ang Hukbong Himpapawid ay isa sa pinakamalapit na puwersa sa rehimen at sa US. Sa pinaka-sensitibong oras, bigla itong pumabor sa Rebolusyon, simula noong Pebrero 8, 1979. Ito ang naging dahilan ng pagtanggap ng kaaway ng malaking suntok na kung saan hindi nito inaasahan na mangyari.

"Tungkol sa Bani Nadhir na mga Hudyo, sinabi ng Qur’an na tinamaan ng Panginoon ang mga kaaway na kung saan hindi nila inaasahan ito. Ang kaparehong nangyari sa mga kumandante ng Hukbong Himpapawid na nangangako ng katapatan kay Imam Khomeini. Ang mga naniniwala ay binigyan ng kapangyarihan mula sa kung saan na hindi nila inaasahan ito; ito ay tinatawag na 'hindi inaasahang tulong."

Idinagdag ni Ayatollah Khamenei na ang mga naniniwala ay "ginawa ang mga pagbabanta na maging mga pagkakataon. Ang ating Hukbong Himpapawid, na walang karapatan at hindi makaayos kahit na mga bahagi ng mga eroplano sa panahon ng mga Pahlavi, sa ngayon sila na ang nagsagawa. Ito ay ginawa ang mga banta na maging mga pagkakataon. Kailan naging posible ito? Kapag natapos ang pag-asa sa mga dayuhan.”

"Ang mga parusa laban sa Iran ay naroon mula sa simula at ngayon ay tumindi. Ang mga parusa ay sa literal mga krimen, ngunit maaari silang maging mga pagkakataon at mailigtas ang ekonomiya ng Iran mula sa pagsalig sa langis. Ang pagsalig sa langis ay humahantong sa kamangmangan ng mga potensyal at lakas ng domestiko," sinabi ng Pinuno.

"Dapat maging malakas ang Iran sa lahat ng mga larangan. Ang isang bahagi ay ang militar. Hindi natin hinahangad na bantain ang sinuman. Sa halip, ang ating lakas ng militar ay para mapigilan ang pagbabanta ng mga kaaway. Kung kayo ay mahina, ang kaaway ay maglakas-loob na saktan kayo. Dapat tayong maging matatag upang maiwasan ang isang digmaan."

 

 

https://iqna.ir/en/news/3470572

Name:
Email:
* Comment: