IQNA

10:28 - March 18, 2020
News ID: 3001518
TEHRAN (IQNA) – Ang lahat na relihiyosong mga aktibidad sa mga moske, kasama ang mga pagdarasal sa Biyernes, ay isuspinde sa loob ng 10 mga araw kasunod ng isang utos ng hari ng Malaysia hinggil sa bagay na ito, sinabi ng Ministro sa Kagawaran ng Punong Ministro (Relihiyosong mga Kapakanan) na si Datuk Seri Dr Zulkifli Mohamad Al- Bakri

"Ang lahat ng mga aktibidad sa mga moske at kasama na ang mga pagdrasal sa Biyernes at mga pagdarasal sa kongregasyon ay dapat na suspindihin, simula Marso 17 hanggang 26.

"Lahat ng mga komite ng moske at surau ay pinapayuhan na magsagawa ng paglilinis at pagdidis-impekta bilang isang pag-iingat na hakbang," sabi niya sa isang pahayag noong Lunes.

Sinabi ni Zulkifli na ang 10-araw na panahon ay napapailalim sa payo ng Ministeryo ng Kalusugan.

Kung sakaling mamatay dahil sa COVID-19, sinabi niya na ang paghawak sa katawan ng namatay ay bibigyan ng tiyak na distansiya.

"Ang katawan ay maaaring hawakan sa pamamagitan ng tayammum (tuyô na ritwal na paglilinis) sa ibabaw ng bag ng katawan o balot na sumasaklaw sa katawan," sabi niya, idinagdag na ito ay alinsunod sa nakaraang kapasiyahan na ginawa ng Muzakarah Jawantankausa Fatwa (Komite ng Fatwa) noong 2015.

Sinabi rin niya na ang parehong mga bagay ay napapailalim sa pananaw ng nauugnay na Islamikong mga samahan sa bawat estado.

"Sa maharlikang utos, ang pagpapatupad ng parehong mga bagay ay naaangkop sa Pederal na mga Teritoryo," dagdag niya.

 

 

3470935

Name:
Email:
* Comment: