IQNA

10:30 - March 18, 2020
News ID: 3001519
TEHRAN (IQNA) - Tulad ng mga aktibidad na pangkultura at pangrelihiyon na hininto sa mga moske at mga sentrong pangrelihiyon sa United Arab Emirates, isang Qur’anikong sentro sa bansa ang nag-aalok ng mga kurso nito sa pagsasaulo ng Qur’an sa online (sa pamamagitan ng internet).

Ang Sentro ng Qur’an ng Hamid bin Rashed al-Naeemi ay nagpahayag na mag-saayos ito ng mga kurso sa pagsasaulo ng online (internet) para sa mga kabataan sa tagsibol, iniulat ng Emarat al-Youm website.

Ang ilan na 120 na mga batang lalaki at mga batang babae ay kukuha ng mga kurso, na kung saan gagamitin ang mga bagong teknolohiyang pang-edukasyon para sa pag-aaral ng Qur’an sa pamamagitan ng puso, sinabi ng sentro.

Ang direktor ng sentro si Ezza binti Abdullah al-Naeemi ay nagsabi na ang hakbag ay naglalayong mapadali na maabot ng mga kabataan ang Qur’anikong edukasyon at maisusulong ang pagsasaulo at pag-aaral ng Qur’an.

Inihayag ng UAE noong Lunes na ang pagsasagawa ng mga pagdarasal sa mga moske at iba pang mga lugar ng pagsamba sa bansa ay ipinagbabawal sa isang buwan.

Ang hakbang ay ginawa upang matigilan ang pagkalat ng nobelang coronavirus sa bansa.

Sa ngayon, 98 na mga kaso ng coronavirus ang nakumpirma sa bansa ng Persianong Gulpo.

Ang pag-uuri ng isang pandemya ng World Health Organization, ang bagong mikrobyo, isang sakit sa paghinga na kilala bilang COVID-19, ay lumitaw sa sentrong Tsino na lungsod ng Wuhan sa Lalawigan ng Hubei sa huli noong nakaraang taon.

Pinatay nito ang higit sa 7,000 na katao sa buong mundo, at nahawahan ang halos 180,000 na iba pa, ayon sa WHO.

 

 

3470934

 

Name:
Email:
* Comment: