IQNA

7:23 - March 22, 2020
News ID: 3001530
TEHRAN (IQNA) - Itinuturing ng matataas na pari ng Shia ng Iraq na ang pagsasagawa ng anumang pagtitipon na binawalan ng pamahalaan ito ay ipinagbabawal.

Ayon sa isang kasapi ng tanggapan ng Ayatollah Ali al-Sistani, binigyan diin ng matataas na kleriko ang pangangailangan para sa pagsunod sa mga rekomendasyong medikal sa gitna ng pagsabog ng coronavirus, iniulat ng Alforat News.

Sinabi niya na ang Ayatollah ay naniniwala na kapag ang mga pagpupulong ay pinagbawalan alinsunod sa mga rekomendasyong medikal, ang mga taong sumalansang sa pagbabawal ay nagkasala.

Itinuturing din ni Ayatollah Sistani na ito ay Haram (ipinagbabawal sa relihiyon) para sa isang pasyente ng coronavirus na dumalo sa mga pagtitipon, sinabi niya.

Bilang isang uri ng pandemya alinsunod ng Samahan ng Kalusugang Pandaigdigan [World Health Organization], ang bagong coronavirus, isang sakit sa paghinga na kilala bilang COVID-19, ay lumitaw sa sentrong lungsod ng Wuhan sa Lalawigan ng Hubei sa huli nitong nakaraang taon.

Mahigit sa 240,000 na katao na ngayon ang nakumpirma na may coronavirus sa buong mundo, kung saan hindi bababa sa 85,000 ang gumaling sa karamdaman muli, habang higit sa 9,800 ang namatay, ayon sa kailangang kabatiran mula sa Johns Hopkins University. 

 

 

3470966

Name:
Email:
* Comment: