Sa gabing ito na kung saan ang unang Banal na Pahayag ay dumating sa puso ng Banal na Propeta ng Islam (s.k.n.k.).
Ang Gabi ng Qadr ay inilarawan sa Quran bilang "lalong mabuti kaysa sa libong mga buwan" (97: 3).
Ang anumang aksyon na ginawa sa gabing ito katulad ng pagbabasa ng Qur’an, pag-alala kay Allah, atbp ay lalong mabuti kaysa sa kumikilos para sa isang libong mga buwan na hindi naglalaman ng gabi ng Qadr.
Ang tumpak na petsa ng Laylat al-Qadr ay hindi nalalaman. Gayunpaman, alinsunod sa maraming mga tradisyon, ito ay sa buwan ng Ramadan. Naniniwala ang mga Shia na ito ay maaari sa bisperas ng ika-19 o ika-21 o ika-23 ng buwan ng Ramadan. Ang karamihan na mga Muslim na Shia ay nagbibigay diin sa bisperas ng ika-23 at karamihan ng mga Muslim na Sunni ay minarkahan ang ika-27 ng buwan ng Ramadan bilang Laylat al-Qadr.