IQNA

Iran ang Gulugod ng Islamikong Paglaban: Isang Taga-Lebanon na Kleriko

2:11 - September 18, 2025
News ID: 3008867
IQNA – Inilarawan ng isang Taga-Lebanon na kleriko at kilalang tao sa pulitika ang Islamikong Republika ng Iran bilang ulo at gulugod ng paglaban, pinupuri ang bansa dahil sa pagbibigay ng makataong suporta sa mamamayang Palestino.

Sheikh Zuhair Juaid, coordinator of the Lebanese Amal movement

Ginawa ni Sheikh Zuhair Juaid, koordineytor ng kilusang Amal sa Lebanon, ang pahayag sa isang panayam sa IQNA sa gilid ng ika-39 na Pandaigdigang Kumperensiya ng Islamikong Pagkakaisa, na ginanap sa Tehran noong unang bahagi ng buwan.

Sa pagbanggit sa ika-1,500 anibersaryo ng kapanganakan ng Banal na Propeta (SKNK), sinabi niya, “Sa loob ng 1,500 na mga taon, namuhay tayong mga Muslim sa ilalim ng mga biyaya ng Sugo ng Awa at tayo ay ipinagmamalaki at pinarangalan na maging bahagi ng Ummah ni Propeta Muhammad (SKNK). Ngunit tunay ba nating sinusunod ang kanyang landas kagaya ng nais ng Propeta?"

Nagpatuloy siya, “Ang nangyayari ngayon sa mundong Islamiko, lalo na sa Gaza, Palestine, Lebanon, at sa buong rehiyon, ay nagpapatunay na ang Ummah na ito ay sa kasamaang palad ay napalayo na sa mga turo at mga pamamaraan ng Sugo ng Diyos, si Propeta Muhammad (SKNK).” Binanggit niya ang ilang mga Hadith ng Propeta Muhammad (SKNK) at sinabi na ayon sa Propeta ng Islam (SKNK), ang isang Muslim ay kapatid ng kapwa Muslim, gusto man niya ito o hindi. Sa isa pang hadith, sinabi ng huling sugo ng Diyos na ang mga mananampalataya, sa kanilang pagmamahal, pagkalinga, at habag sa isa’t isa, ay parang isang katawan, at kapag may isang bahagi na dumaranas ng sakit, ang ibang bahagi ay apektado ng kawalan ng tulog at lagnat.

Nagtanong si Sheikh Juaid kung ang Arabo at Islamikong Ummah ngayon ay nasa kalagayan ng karamdaman dahil may sakit ang Gaza? “Nasa gutom ba ito dahil nagugutom ang mga tao sa Gaza? Nasa takot ba ito dahil natatakot ang mga tao sa Gaza? Hindi, sa ngalan ng Diyos, lahat ay nasa kaginhawahan maliban sa mga kinahahabagan ng Diyos.”

Binanggit niya na ang bilang ng mga Muslim ngayon ay halos umabot na sa dalawang bilyon, idinagdag pa niya, “Kung ang maliit na grupong ito ng mga mananampalataya ay wala sa aksis ng paglaban mula Palestine hanggang Lebanon, na alin nagsakripisyo ng pinakamahalagang tao, ang bayani na si Sayed Hassan Nasrallah, at ang kanyang mga kumander, sana ay nagbayad tayo ng napakalaking halaga sa digmaang ito, sa Iraq at Yaman. Patuloy na sinusuportahan ng mga tao ng Yaman ang Gaza sa kabila ng kahirapan, kabila ng pagkubkob, at kabila ng matinding pagdurusa.” 

Idinagdag ng kleriko na ang Islamikong Republika ang ulo ng aksis ng paglaban at ang gulugod nito, at naharap sa isang di-makatarungang digmaan dahil sa makataong paninindigan nito para sa Gaza.

“Ang paninindigan ng Iran ay makatao bago pa man ito maging Islamikong paninindigan, isang makatao, Islamiko, at mahabaging paninindigan para sa mga tao ng Gaza. Kaya naman, tumindig ang Iran sa tabi ng mga tao ng Gaza at sinuportahan sila upang muling makamtan ng mga mamamayang Palestino ang kanilang kalayaan.”

Sa pagbanggit sa pagkatalo ng mga kaaway laban sa Islamikong Republika ng Iran sa 12-araw na digmaan na ipinataw ng rehimen ng Israel noong Hunyo ng taong ito, sinabi niya, “Ang Islamikong Republika ng Iran ay lumabas na matagumpay at marangal sa digmaang ito, at taas-noo rin kaming tumindig dahil sa tagumpay ng Iran.”

 

3494622

captcha