IQNA

Pagbigkas ng Quran ng Anak ng Opisyal ng Hamas na Namatay bilang Bayani (+ Pelikula)

2:04 - September 18, 2025
News ID: 3008866
IQNA – Isang pelikula ng Tarteel na pagbasa ng Quran ni Hammam al-Hayya, anak ng pinuno ng tanggapang pampulitika ng Hamas na si Khalil Al Hayya, na nagging bayani kamakailan sa Qatar, ang inilathala sa onlayn.

Hammam al-Hayya (R), the son of Hamas political bureau chief Khalil Al Hayya (L)

Si Hammam, kasama ang apat pa, kabilang ang isang guwardiyang panseguridad mula Qatar, ay namartir sa isang teroristang pag-atake ng Israel sa pagtitipon ng mga opisyal ng Hamas sa Doha noong nakaraang linggo. Ang sumusunod na klip ay nagpapakita ng Tarteel na pagbasa ni Hammam ng Quran sa seremonya ng libing para sa mga anak at mga apo ng bayani na si Ismail Haniyeh, dating pinuno ng tanggapang pampulitika ng Hamas, na pinaslang at namartir ng mga Zionista sa Iran noong Hulyo ng nakaraang taon.

Binasa ni Hammam ang mga talata 154 hanggang 157 ng Surah Al-Baqarah tungkol sa mga bayani sa nasabing seremonya, na dinaluhan din ng kanyang ama.

Noong Setyembre 9, inilunsad ng rehimen ng Israel ang mga pambobomba sa himpilan ng Hamas sa Doha, na inilarawan bilang isang “operasyon ng pagpaslang” na kumitil sa buhay ng ilang mga kasapi ng kilusan gayundin ng isang opisyal ng seguridad ng Qatar.

Ang pangunahing pinuno ng Hamas, kabilang sina Khalil al-Hayya, Khaled Meshal, at Zaher Jabarin, ay nakaligtas sa tangkang pagpaslang.

Matapos ang nakamamatay na pag-atake, kinondena ng Qatar ang “duwag” na paglusob ng Israel bilang “terorismong estado,” at nangakong tutugon sa mga pambobomba.

 

3494605

captcha