IQNA

12:21 - May 22, 2020
News ID: 3001713
TEHRAN (IQNA) - Sinabi ng pinuno sa London na nakabase na Komisyon ng Islamikong Karapatang Pantao (IHRC) na may iilang mga 120 na pandaigdigang mga samahan na sumoporta sa kampanya upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Quds (Jerusalem).

Sinabi ni Massoud Shajareh sa IQNA na ang onlayn na kampanya, na may pamagat na “Iwagayway ang Bandila” (Fly the Flag) ay inilunsad upang gunitain ang pagdiriwang sa pamamagitan ng cyberspace dahil hindi posible na magawa ang mga pagtipun-tipunin sa mga lansangan katulad ng nakaraang mga taon dahil sa pagsiklab ng coronavirus.

Sa London, halimbawa, sinabi niya, maraming libong mga tao ang nagtungo sa mga lansangan sa okasyong ito sa nakaraang mga taon upang isigaw ang kanilang suporta para sa mga Palestino.

Dagdag pa ni Shajareh, na hindi lamang nila isinama ang iba't ibang mga pangkat ng Muslim kundi pati na rin ang mga Kristiyano at mga Hudyo.

"Sa taong ito, kinansela namin ang plano para sa pagtipun-tipunin at pinalitan namin ito ng iba pang mga plano."

Sa itong pagpapalaganap, ang lahat ng mga naghahanap ng katotohanan sa mundo ay hiniling ang pagwagayway ng bandila ng Palestine sa kanilang mga tahanan, mga kotse at sa saan na lugar, kumuha ng larawan at ibahagi ito sa sosyal media upang ipakita ang kanilang suporta para sa Palestino, ayon kay Shajareh.

Sinabi niya na ang pagpapalaganap ay tinanggap nang masigasig at ang mga tao mula sa buong mundo, mula sa US hanggang Timog Apika, Australia, Finland at Mozambique.

Gayundin sa mga tao, ang iilang 120 na mga pangkat at mga samahan mula sa buong mundo ay sumali sa pagpapalaganap at dumarami ang bilang, sinabi ni Shajareh.

Sa Pandaigdigang Araw ng Quds, na bumagsa sa Biyernes, idinagdag niya, ang mga talumpati ay ihahatid sa pamamagitan ng onlayn sa mga Muslim, Kristiyano, Hudyo at iba pang mga iskolar at mga palaisip bilang suporta sa Palestine.

Ang Pandaigdigang Araw ng Quds ay isang pamana ng Imam Khomeini sino nagtalaga ng araw sa pagkakaisa sa mga Palestino.

Mula noong 1979 na Islamikong Rebolusyon sa Iran, ang Pandaigdigang Araw ng Quds ay ginanap sa buong mundo sa huling Biyernes ng buwan ng pag-aayuno ng Muslim ng Ramadan.

 

 

3471490

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: