IQNA

8:28 - June 28, 2020
News ID: 3001822
TEHRAN (IQNA) - Ang paligsahan sa pagsulat ng pinakamahusay na librito ng Qur’anikong mga turo ay binalak na gaganapin sa Iraq.

Ang Noor-ul-Awla ay ang pamagat ng paligsahan, na isinaayos sa pamamagitan ng Sentrong Qur’aniko ng Kababaihan na kaakibat Tanggapan ng mga Pagtuturong Islamiko at Pantao ng Astan (katiwala) ng Banal na Dambana ng Hazrat Abbas (S.K.N.K.) sa Karbala.

Ayon sa Al-Kafeel, ang paligsahan na binalak para sa mga kababaihan ay naglalayong tulungan ang pangkat na ito sa lipunan upang maging mas makilala ang mahalagang Qur’anikong mga turo.

Si Minar Javad Al-Jabouri, pinuno ng sentro, nagsabi na ang paligsahan ay kabilang sa mga gawain ng sentro ay upang palakasin ang kaalamang pangkultura at Qur’aniko ng mga kababaihan.

Oktubre 1 ay ang katapusang araw para sa pagpapadala ng mga gawa doon sa sentro. Susuriin ng komite ng mga dalubhasa sa Qur’an ang mga librito.

Qur’anikong mga gawain mahusay na umunlad sa Iraq mula nang naibagsak noong 2003 ang dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng lumalagong pag-unlad ang mga palatuntunang Qur’aniko katulad ng mga paligsahan, mga sesyon ng pagbigkas at mga palatuntunang pang-edukasyon na ginanap sa bansa nitong nakaraang mga taon.

 

 

3471786

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: