IQNA

6:15 - July 07, 2020
News ID: 3001852
TEHRAN (IQNA) - Ang Kapisanan ng Manabir al-Qur’aniya sa Kuwait ay nagbalak na magsagawa ng onlayn na palatuntunan sa Qur’an na tinawag na "Umm al-Kitab".

Ang balak ay nagtatampok sa pagwawasto ng mga kamalian sa mga tao na maaaring mangyari sa pagbigkas ng Surah Al-Fatiha ng Qur’an, ayon sa alraimedia.com website, sinabi ni Muhammad al-Shatti, bise-presidente ng kapisanan.

Sinabi niya na ang mga magtuturo ng Qur’an at mga dalubhasa sa kapisanan ay tutulong sa mga tao mula sa Kuwait at iba pang mga bansa upang iwasto ang kanilang pagbigkas ng Surah.

Ito ang ika-4 na magkakasunod na taon na ang ganong balak ay ginanap at tinanggap iyon nang napakahusay, idinagdag niya.

Nabanggit ni Al-Shatti na ang Umm al-Kitab (ina ng aklat) ay ang pangalan ng Surah Al-Fatiha na ang kahalagahan ay kilala sa lahat sapagkat ito ay binabasa sa pang-araw-araw na mga pagdarasal ng 17 beses sa isang araw.

Kinakailangan iyon na basahin ng tama ang Surah sa mga pagdarasal, idinagdag niya.

 

 

3471903

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: