IQNA

6:35 - July 31, 2020
News ID: 3001932
TEHRNA (IQNA) - Ang grupo ng mga Uropiano na mga mambabatas ay nagwalang-saysay sa balak ng Israel na pananakop sa malaking bahagi sa nasasakupang West Bank bilang "labag sa batas", sa pagsasabi ng pamamaraan, na kung saan agawan ang mga Palestino ng kanilang karapatan sa pagpapasya sa sarili, ay hindi dapat "dumaan na walang-hamon."

Sa pahayag na inilabas noong Miyerkules, ang mga mambabatas mula sa UK, Pransya, Ireland, Belgium at Sweden ay nanumpâ na hamunin ang balak ng rehimeng Tel Aviv sa pagtatangka na "masugpô ang kriminal na gawa na ito."

"Kami, ang nakapirma, ay nagbabahagi ng aming malalim na pag-aalala sa banta na labag sa batas na pananakop ng Israel ng bahagi sa sinakupan na Palestinong West Bank. Ang isang panig na kasunduan sa pagsasanib ng anumang bahagi ng West Bank ay magiging isang malaking paglabag sa batas na pandaigdigan, at karagdagang balakid sa pagkamit ng pantay na karapatan at pagpapasiya sa sarili para sa mga Palestino. Ang pagsakop ay hindi dapat maipasa nang walang-hamon,” ang pahayag na binasa.

Ang Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu ay nagbalak na sakupin ang ikatlong bahagi ng nasasakupang West Bank, kasama na ang mga pamahayan at matabang Lambak ng Jordan.

Ang iskema ay gayunpaman, nananatili sa gitna ng malalim na dibisyon sa loob ng koalisyon ng gabinette ni Netanyahu at laban sa likuran ng mga pagkondena na pandaigdigan.

Ang mga nagpirma sa dokumento, na may pamagat na "Hindi sa mga balak sa pagsakop ng Israel," ay binigyang diin ang kanilang pag-apruba sa kani-kanilang mga pahayag ng gobyerno na nagsabi na ang pagsakop ng Israel ay hindi kinikilala dahil lumalabag ito sa batas na pandaigdigan.

Pinuri din nila ang mapagpasyang mga boto sa kanilang mga parliyamento na pabor sa pagkilala sa estado ng Palestino noong wala pa ang - June 1967 na hangganan, binabalaan ang Israel ng mga kahihinatnan sa inisiyatibo ng pag-agaw ng lupa, iniulat ng Press TV.

"Isinasaalang-alang namin ang naaangkop na mga kahihinatnan sa kaganapan ng pagsakop. Napagkasunduan namin na ang pandaigdigang katayuan ng Israel, ay napinsala na dahil sa sistematikong labag sa batas na gawa ng pagtatayo ng pamahayan, ay masisira nang husto sa pamamagitan ng anumang pagkilos ng pagsakop - at ang Israel ay hindi makinabang sa pang-ekonomiya mula sa mga gawa na ito," sinabi ng Urupiano na mga MP.

Pinakiusapan pa nila ang mga mambabatas sa ibang lugar sa Uropa at sa Estados Unidos na sumali sa “koalisyon upang maiwasan ang pagsakop at mapanatili ang pag-asa ng pagpapasiya sa sarili ng Palestino" sa loob ng tinatawag na balangkas ng dalawang estado.

Ang mga mambabatas sa Uropa ay nagpahayag din ng kanilang suporta para sa liham na laban sa pagsakop na sinimulan ni Avraham Burg, dating tagapagsalita ng parliyamento ng Israel (Knesset), at nilagdaan ng 1,080 na mga parliyamentaryo sa buong Uropa.

"Ang Uropa ay dapat manguna sa pagdadala ng mga aktor na pandaigdigan upang maiwasan ang pagsakop at pagtanggol ng mga pag-asa ng dalawang-estado na kalunasan at makatarungang panukala sa kaguluhan," ang liham na binasa. "Ang pagkuha ng teritoryo sa pamamagitan ng puwersa ay walang lugar sa 2020 at dapat magkaroon ng sang-ayon na mga kahihinatnan."

 

 

3472138

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: