IQNA

8:15 - August 03, 2020
News ID: 3001942
TEHRAN (IQNA) - Ang Sentrong Islamiko ng Indonesia sa Jakarta ay punong-abala ng mga padarasal na pagtitipon sa Eid Al-Adha ng dalawang beses kasama ang pakikilahok ng kinatawan ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko.

TEHRAN (IQNA) - Ang Sentrong Islamiko ng Indonesia sa Jakarta ay punong-abala ng mga padarasal na pagtitipon sa Eid Al-Adha ng dalawang beses kasama ang pakikilahok ng kinatawan ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko.

Ang mga pagdarasal na ginanap sa ikasampû ng Dhul Hijjah (Hulyo 31) ay pinangunahan sa pamamagitan ni Hojat-al-Islam Hakim Elahi at muli ni Seyyed Ahmad Hafiz dahil sa pagkakaroon ng malaking bilang ng mga Muslim sa sentro para sa pagsasagawa ng mga pagdarasal ng Eid.

Ang sentro ay nagsagawa rin ng isang palatuntunan para sa pagbigkas ng Panalangin ng Arafah ni Hojat-al-Islam Hakim Elahi, sino nagbigay din ng mga talumpati tungkol sa Ahlul-Bayt (SKNK), sa ikasiyam ng Dhul Hijjah (Hulyo 30).

Dahil sa pagsiklab ng mikrobyong korona, ang palatuntunan at ang mga pagdarasal ng Eid ay ginanap habang pinagmamasdan ang mga protokolo sa kalusugan, kabilang ang paglagay ng agwat ng bawat isa.

Ang Eid al-Adha ay isa sa pinakadakilang pagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo at ipinagdiriwang mula 1 hanggang 4 na mga araw depende sa iba't ibang mga bansa.

Kilala rin bilang kapistahan ng pag-aalay, ipinagdiriwang iyon bilang parangal sa pag-aalay at pagpayag ni Propeta Abraham (SKNK) na ini-alay ang kanyang anak na lalaki bilang gawa ng pagsunod sa utos ng Diyos.

Karaniwan, sa Eid ang mga tao ay magsuot ng kanilang pinakamabuting mga damit at pumunta upang makipagkita sa mga kaibigan at mga kamag-anak at magsaya pagkatapos ng pag-aalay ng espesyal na mga pagdarasal.

Ngayong taon, gayunpaman, ang mga pagdiriwang ay ginanap sa limitadong paraan upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng COVID-19.

 

 

3472153

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: