IQNA

9:38 - September 15, 2020
News ID: 3002055
TEHRAN (IQNA) - Ang mga klase sa pagsasaulo ng Qur’an ay dapat na isagawa sa araw-araw upang magbunga ng mas maraming mga magsasaulo, sinabi ng isang Malaysianong opisyal.

Ang Ministro sa Kagawaran ng Pangrelihiyong mga Kapakanan ng Malaysianong Punong Ministro na si Zulkifli Mohamad Al-Bakri ay nagsabi na ang pang-araw-araw na klase ng Tahfiz (pagsasaulo) ay maaari ring magbigay ng mga pagkakataon para sa mga mag-aaral na palalimin ang kanilang pag-unawa sa Qur’an.

"Iminungkahi ko na ang mga klase sa pagsasaulo ng Qur’an ay ipag-iba-iba upang makakuha ng higit na pakikilahok.

"Halimbawa, ang mga mag-aaral ay maaaring subukang kabisaduhin ang isang kabanata ng Qur’an sa anumang oras at maaari silang tumagal sa pagitan ng dalawa at tatlong mga taon upang ganap na masasaulo ang buong mga kabanata katulad ng ginagawa ng mga mag-aaral ng Tahfiz," sinabi niya sa mga mamamahayag noong Linggo.

Sinabi ni Zulkifli na ang naturang mga klase ay ipinatupad sa mga bansang Arabo at sa ilang mga lugar sa Malaysia, sa pagsisikap na mapakinabangan ng malaki ng komunidad ang pag-aaral at pagsasaulo ng Qur’an, iniulat ni Bernama.

"Sana, ang pamamaraang ito ay maaaring mapalawak sa mga paaralan at mga moske sa bansa upang magbigay ng karagdagang halaga sa mga walang pagkakataon na magpatala sa mga sentro ng Tahfiz," dagdag niya.

 

 

3472555

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: