IQNA

13:04 - January 19, 2021
News ID: 3002443
TEHRAN (IQNA) – Ang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko na si Ayatollah Seyed Ali Khamenei ay dumalo sa isang pagdiriwang ng pagluluksa na ginanap noong Linggo ng gabi doon sa Imam Khomeini Husseinya sa Tehran.

Minarkahan nito ang pagdiriwang ng kabayanihan ni Hazrat Zahra (SA).

Ang Hojat-ol-Islam Rafiei ay nagbigay ng talumpati doon sa pangyayari, binibigyang diin na ang pangunahing pagsisikap ni Hazrat Zahra (SA) matapos ang pagkamatay ng Banal na Propeta (SKNK) ay itataguyod ang Velayat at kontrahin ang pagtatangka na ibaliwala at tanggihan ito.

Gayundin, binigkas ni Hojat-ol-Islam Shahitat ang mga tula ng pagluluksa doon sa pagdiriwang.

Ang Shia na mga Muslim at iba pa sa iba't ibang bahagi ng mundo ay nagsasagawa ng mga pagdirawang sa bawat taon sa unang mga araw ng buwan ng Jumada al-Thani sa kalendaryong Hijri upang ipagdalamhati ang pagdiriwang ng pagkabayani sa pinakamamahal na anak na babae ng Banal na Propeta (SKNK).

Ngayong taon ang pagdirawang ng pagkabayani ni Hazrat Zahra (SA) ay mangyari sa Linggo, Enero 17.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng tanggapan ng Ayatollah Khamenei na ngayong taon ay walang pagdirawang ng pagluluksa sa publiko para sa anibersaryo ng pagkabayani ni Hazrat Zahra (SA) sa Husayniyyah ng Imam Khomeini, dahil sa pandemikong mikrobyong korona at ang pangangailangan na sundin ang mga protokolo sa kalusugan.

 

 

3473730

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: