IQNA

6:57 - March 03, 2021
News ID: 3002574
TEHRAN (IQNA) - Ang taunang Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Iran, bukod sa iba pang mga layunin, ay naglalayong itaguyod ang pagkakaisa at pagkakasundo sa mundong Muslim, sinabi ng isang opisyal.

Sa pagsasalita sa isang pakikipanayam ng mga peryodista na ginanap dito sa Tehran noong Lunes ng ika-37 edisyon ng paligsahan, sinabi ng Pinuno ng Samahang ng Awqaf at Kawanggawa ng mga  Kapakanan na si Hojat-ol-Islam Seyed Mehdi Khamoushi na ang pagdadala ng mga puso ng mga Muslim mula sa iba't ibang mga bansa ay kabilang sa mga layunin ng kaganapang Qur’aniko.

Ang palatuntunan ay nagsimula sa pagbasa ng Qur’an sa pamamagitan ng kilalang Qari na si Vahid Khazaei.

Ang isa pang layunin ay ang paggalang sa katayuan ng Banal na Qur’an bilang aklat ng buhay at kaunlaran sa Sambayanang Muslim at pagtataguyod ng katayuan ng mga mambabasa at mga magsasaulo ng Qur’an, dagdag ng opisyal.

Sinabi pa ni Hojat-ol-Islam Khamoushi na ang Islamikong Republika ay nag-aayos ng paligsahan sa birtuwal dahil sa pandemya ng mikrobyong korona.

Sinabi niya na habang maraming iba pang mga bansang Muslim ang tumigil sa kanilang mga kaganapang Qur’aniko na pandaigdigan, pinili ng Iran na magpatuloy sa pagdadaraos ng paligsahang Qur’an na pandaigdigan gamit ang mga kapasidad ng sayber na kalawakan (cyberspace).

Sinabi niya na ang pangalawang pandaigdigang pagpupulong tungkol sa sulat-kamay ng Qur’an ay gaganapin din na kasabay ng paligsahan, at ang mga papeles ng mga dalubhasa sa kaligrapya mula sa Iran, Iraq, Turkey, at Pransya ay ipapakita doon sa kaganapan.

Nagsasalita rin sa pakikipanayam sa peryodista ay si Hamid Majidimehr, isang kinatawan ng samahan, sino nagsabing isang kabuuang 57 na mga kalahok mula sa 26 na mga bansa ang nakikipaligsahan sa huling yugto ng paligsahan.

Nabanggit niya na 411 na mga aktibista ng Qur’an mula sa 67 na mga bansa ang lumahok sa paunang pag-ikot, kung saan 122 ang nakarating sa pang-wakas.

Nakatakda sa Marso 6-11, ang huling pag-ikot ng ika-37 na edisyon ng kaganapang Qur’aniko na pandaigdigan ng Iran ay mai-himpapawid sa IRIB Qur’an TV, Qur’an Radyo at sa maraming mga plataporma sa onlayn.

Ang salawikain ng edisyon sa itong taon ay "Isang Aklat, Isang Sambayanan".

Ang Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga  Kapakanan ay nagsayos ng taun-taon ng kaganapang Qur’aniko na pandaigdigan na may paglahok ng mga aktibista ng Qur’an mula sa iba't ibang mga bansa.

Ang mga Qari at mga magsasaulo mula sa higit sa 80 na mga bansa ay lumahok sa ika-36 na edisyon, na ginanap sa Tehran noong Abril 2019.

 

 

3474135

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: