IQNA

8:40 - March 05, 2021
News ID: 3002582
TEHRAN (IQNA) - Isang paligsahan sa Qur’an ang binalak na gaganapin para sa mga mag-aaral sa paaralan sa Uganda sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.

Ayon sa Samahan ng Islamikong Kultura at Kaugnayan, ang paligsahan ay gaganapin sa pamamagitan ng Radyo Bilal ng Uganda sa pakikipagtulungan sa Sentrong Pangkulturalang Iraniano sa bansang Aprika.

Sa isang kamakailang pagpupulong, ang Kinatawan na Pangkultura ng Iran na si Mohammad Reza Qezelsofla at patnugot ng istasyon ng radyo na si Muzaffar Mungumia ay tinatalakay ang pagsasaayos ng kaganapang Qur’aniko.

Ito ay gaganapin para sa mga mag-aaral sa elementarya at gabay sa mga paaralang Islamiko ng Uganda.

Ang pagsasaulo at pagbigkas ng Qur’an ay ang mga kategorya ng paligsahan.

Ang Radyo Bilal at ang Sentrong Pangkulturang Iraniano ay nagtulungan sa pag-sasaayos ng maraming iba pang mga palatuntunan na nagtatampok ng Islam, pagkakaisa ng mga Muslim, mga pagdaraos ng panrelihiyon, atbp.

Ang Uganda ay isang bansa na may karamihang Kristiyano sa Aprika. Ilang 16 porsyento ng populasyon ng bansa ay Muslim.

 

 

3474155

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: