IQNA

6:36 - April 12, 2021
News ID: 3002681
TEHRAN (IQNA) - Ang mga proyektong muling pagtatayo at pagsasaayos ay isinasagawa sa anim na mga pook na makasaysayang Islamikong at mga museo sa Mekka.

Ang Makahari na Komisyon para sa Lungsod ng Mekka at Banal na mga Lugar ay nagpunong-abala sa pagbisita sa pook mula sa Komite na Ehekutibo para sa Landas ng mga Pook na Makasaysayang Islamko at mga Museo.

Kasama sa mga lugar ang rehiyon ng Hudaybiyyah kung saan ang Pangako ng Radwan ay naganap sa ikaanim na taon ng Hijri, sa panahon si Propeta Muhammad (SKNK) ay gumawa ng isang kasunduan sa kapayapaan sa pagitan niya at ng kanyang mga tagasunod at angkan ng mga Quraysh.

Binisita din nila ang Bir Tuwa (Ang Batis ng Tuwa), Jabal Thawr, ang 1,200 taong gulang na batis ng tubig at kanal na Ayn Zubaydah, ang lugar ng Mina kung saan naganap ang Pangako ng Al-Aqaba at Jabal Al-Nour, ang Yungib ng Hira.

Ang isa sa pinakamahalaga na mga proyekto ay ang Sentrong Pangkultura ng Jabal Al-Nour, ayon sa Pahayagang Arabo.

Ang bundok ay matatagpuan ang Yungib ng Hira, na alin mayroon na malaking kahalagahan para sa mga Muslim sapagkat dito ang Propeta (SKNK) ay nagkaroon ng kanyang unang paghahayag at natanggap ang unang mga talata ng Banal na Qur’an.

 

 

3474421

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: